Tuesday, August 4, 2020

"Kris Aquino", Gusto Maging Presidente ng Isang Araw Dahil...

“Hindi ako tatakbo for anything in 2022.”

Ito ang sagot ni Kris Aquino tungkol sa haka-hakang kaya siya nag-babalik sa telebisyon ay dahil siya ay nag-hahanda sa pag-takbo bilang senador sa 2022 elections. Sa inilabas na video ng isang management team noong Agosto 1, tinanong duon kung sino ang personalidad na gusto niyang maging siya sa loob ng isang araw? Bakit at paano niya susulitin ang pagkakataong iyon?

Sinabi ni Kris, “I’m sorry, Catholic Church, please don’t get mad at me. For one day I want to be President—on the day na ira-ratify na magkakaroon ng divorce sa Philippines, para pirmahan. My reason is simple—because you wouldn’t be annulled in the church. Your church marriage, it’s a different process.”

Dagdag pa ni Kris, “But I believe that going through an annulment is a very difficult process, and it is expensive. I believe that women and men should have equal rights about this.” Sinabi niya na mas uunahin niya ang pag-apruba sa divorce kaysa sa same-sex marriage na ipinag-lalaban ng LGBT community.

“Pero ang divorce—sa sagot kong ‘yan ha, alam niyo na! Hindi ako tatakbo for anything in 2022. Perp ayoko ng pagdaanan ever again ng kahit na sino man yung proseso ng pagpapa-annul. Kasi,pwede naman talaga ang divorce. And separation naman talaga ‘yan eh, of church and state.”

Samantala, nakatakda namang umere ang bago niyang show na “Love Life with Kris” sa Kapatid Network na TV5 sa Agosto 15, Sabado oras 5:00 hangang 6:00 pm.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only