Tuesday, August 4, 2020

Michael V on Covid-19: Kinatatakutan Ka Nila at Pinandidirihan



Nitong nakaraang July 20, 2020 ng kumpirmahin ni Michael V. or Bitoy na siya ay nag positibo sa COVID-19. Ibinahagi niya ito sa kanyang mismong Youtube channel.
August 3 ng muli siyang mag-upload ng kanyang video sa kanyang channel at ibahagi ang naranasan niyang hirap dahil sa diskriminasyon sa kanyang sakit. Ani ni Bitoy, hindi biro ang hirap ng pinagdadaanan ng isang COVID-19 patient.
 Sinabi niya ang pinakamatinding makakalaban mo sa sakit na ito ay ang lungkot. Malungkot na hindi man lang niya mayakap ang kanyang asawa’t anak na nasa kabilang kwarto lamang ng kanilang bahay. Dagdag pa niya, paano pa daw kaya ang mga severe cases na talagang tinanggalan na ng karapatan na makita ang mahal nila sa buhay.
“Nakakadagdag din sa sakit yung stigma ng lipunan sa COVID-19 patients. Para kang tinatakan ng reject ng lipunan. Kahit naka-full PPE [personal protective equipment] ka, iniiwasan ka ng mga tao, kinatatakutan, pinandidirihan. Ang masama, yung iba hinihiya o hina-harass ka pa. Hindi ko na lang idedetalye, pero kami mismo ng pamilya ko, naka-experience kami ng harassment.”




“Eh wala, ganun talaga, kaya siguro yung iba ayaw na lang ipaalam na may COVID sila, or worse, kahit may nararamdaman na, ayaw na lang nila magpa-test. Kasi bukod sa gagastos ka na, dadaanan mo pa yung mga ganun.” Yan ang sentimyento ni Bitoy sa kanyang Youtube channel. Ayon sa kanya, hindi ito tamang gawin. Payo pa niya, “Huwag niyo na lang intindihin ang sasabihin ng iba, ipagdasal niyo na lang sila.”

Sabi pa niya “Hindi biro ang magka-COVID, nawalan lahat ng meaning yung lahat ng gamit ko dito. Ni wala akong ganang mag-set up, magkalikot, mag-PS4, o kahit mag-Youtube o mag-Netflix wala..”
Ayon sa kanya, ayaw niya daw gumawa ng vlog at ang gusto lamang niya ay gumaling na kaagad para mayakap ang kanyang pamilya. Ayon pa sa kanya, siyam na araw na daw siyang hindi nakakaramdam ng sintomas ng ishoot niya ang kanyang vlog.


Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only