Thursday, July 15, 2021

Vic Sotto Nagsalita na Tungkol sa Fake News na Kumakalat sa Kanila ni Julia Clarete

Hindi lang minsan kundi parang halos laman ng mga balita tungkol sa nabuntis daw ng isang TV-Host Comedian si Julia Clarete hanggang nag sampa raw ng kaso si Julia laban kay Bossing Vic Sotto.





Nang magsalita si Vic Sotto sa “Eat Bulaga” sa nasabing issue ay hindi man nya direktang sinabi kung anung issue ang tinutukoy nya, ay obvious na ang kumakalat na fake news tungkol sa kanila ni Julia Clarete.





Ito ang mensahe ni Bossing Vic Sotto tungkol sa issue:

“Eto, makinig kayo, hehehe!

"Sa mga, eto ang hugot ko for the day, sa mga nagsa-cyberbully o gumagawa ng fake news, o naninira ng tao sa social media lalo na o sa ibang paraan.

“Lagi ninyong tandaan na may nasasaktan kayo, at iyan ay pagbabayaran ninyo. Huwag ninyong isipin na dahil pinalalagpas lang ng iba ay mahina o naduduwag.”

“Nakikita kayo. Tandaan ninyo iyan, nakikita kayo, at hindi natin ‘yan palalampasin.

“Darating ang araw na may paglalagyan kayo. Ito ang huli. N'yo!

"Abangan. Abangan n'yo yan. Yung mga nambu-bully o nami-meyk news, abangan niyo. N'yo!”





Cool lang si Vic Sotto habang nagsasalita na parang pa-joke, pero halata na galit sya sa kung sino man ang nagpapakalat ng ganitong fake news.







Sa tingin nyo kilala kaya ni Bossing Vic ang nagpapakalat at may kagagawan nito? Sa pahayag nya hindi lang isa ang tinutukoy nya kundi marami. Anu kaya ang balak ni Vic Sotto sa mga taong may gawa ng fake news na ito, dahil sa sinabi nyang “May Paglalagyan kayo”! 

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only