Ito ay dahil
sa pahayag ni Raffy Tulfo sa kanyang programang “Wanted sa Radyo” nakaraang
September 20, matapos ang kanyang live guesting sa Kapamilya Sunday musical
show na “ASAP Natin To”.
Nagpahiwatig
ng simpatiya si Raffy Tulfo ukol sa pagpapasara ng gobyerno sa ABS-CBN.
“Dati-rati,
nagge-guest na ako sa ABS-CBN noon pa. Maraming tao ang masasaya. "Pero
doon, malulungkot sila. “Kasama sa lungkot ko, kung kayo’y nalulungkot, huwag
kayong malungkot dahil puwede nating sabihin na nine, ten, ten months… Ten
thousand kasi ang nawalan ng trabaho”.
"Puwedeng
baka sabihin ni Lord na, 'Sige, ten months, okay na ulit. "Malay mo,
kumbaga, magbabanggaan yung 16 million versus 42 million subscribers. "Forty-two
million, kung i-combine mo pa, baka 50 million versus 16 million, anong mas
marami dun?" – Pahayag ni Raffy Tulfo.
Ang 16M na tinutukoy
nni Raffy Tulfo ay ang bilang ng mga taong bumuto kay President Duterte nnoong nakaraang
2016 national elections. Ang 50M naman ay ang total na mga subscriber ng
ABS-CBN sa YouTube channel nito. Ang 10 months ay ang posibleng tungkol sa July
2022 national election at posibleng mabalik ang prangkisa ng ABS-CBN kung
sakaling mag-iba nag ang administrasyon sa gobyerno.
Ikinagalit naman
ito ng mga taga suporta o DDS ng Pangulong Duterte dahil sa mga sinabi ni Raffy
Tulfo. Ang tingin ng mga DDS ay niyabang ni Raffy Tulfo na kayang talunin ng
kanyang milyong subscriber sa YouTube ang 16M na bumuto kay President Duterte.
Nanawagan ang mga DDS na i-boycott ang mga social media accounts at mga program
ani Raffy Tulfo. Hinusgahan din si raffy Tulfo na pinagkaka kitaan nya ang mga
mahihirap na pumupunta sa kanayng programa.
Mula sa 22M
Subscriber ni Raffy Tulfo, bumaba na ang bilang nito sa 18M simul ana kumalat ang
issue tungkol sa kanya.
Post a Comment