Ilan sa mga artistang nagpahayag ng suporta kay VP Leni ay
sina Sharon Cuneta, Gary Valenciano, Enchong Dee, Agot Isidro, Nadine samonte,
Liza Soberano, Angel Locsin, at marami pang iba. Banat ng dating dancer ng
Wowowin na sana raw nirespeto ang pink ribbon na tanda ng Breast Cancer Awareness.
“Ang daming color na pwede pag pilian. Pink pa talaga. Hindi
man lang mga nag isip."
“I know there’s a lot of color na ginagamit sa breast cancer
awareness but mainly pink ribbon talaga. So, when I saw that ribbon post, yung
breast cancer awareness agad naisip ko."
“Super insensitive para sa mga taong lumalaban sa buhay nila
ng dahil sa cancer." - Pahayag sa post ni RR
Binanatan din ni RR ang mga influencer at mga artist ana nag
post ng “pink” at tinawag nya itong mga insensitive.
“Yung ibang mga artista, influencer na nag post ng Pink sana
huwag din tayong insensitive. Ok lang isupport nyo sya as your President. Pero
not to the point na may sasagasaan or ididisrespect."
“Tapos yung iba ang lakas ng loob nyo mag post ng Pink pero
yung tunay na meaning nyan as breast cancer awareness ni hindi nyo mapost at
masupport!" - Pahayag ni RR.
Marami namang mga netizen ang na bwisit sa pahayag na ito
ngayon ni RR. Kaya daw nag pahayag si RR ng ganito ay dahil iba ang
sinusuportahan nitong kandidato kaya Malaki ang inis nito sa mga artistang
sumusuporta kay VP Leni Robredo.
“Te halos lahat po ng cancer may color wag po maghanap ng
butas porke si BBM ang gusto." - Komento ng isang netizen
“If you like another presidential candidate, go for it! Pero
wag mo din pigilan ‘yuny iba na suportahan yung gusto nila." - Sabi naman
ng isang netizen.
“Yung ibang artist na nagpost related to pink doesn’t mean
insensitive. Ikaw yata ang insensitive at mean, RR, dahil lang hindi kayo
magkatuladcng political views nagpost ka na ng ganyan." - Pahayag naman ng
isa pang netizen.
Sa naganap na pag file ng candidacy at press conference ni Vice
President Leni Robredo at running mate nito na si Francis “Kiko” Pangilinan, ay
ipinaliwanag nito kung bakit pink ang napili nitong kulay sa pagtakbo bilang
pangulo.
“Yung pink ngayon ay siya ‘yung lumalabas na global symbol
of protest and activism." - Pahayag ni VP Leni.
Post a Comment