Ipinahayag na ni Willie Revillame ang kanyang desisyon na huwag kumandidatong senador sa May 2022 elections na umani naman ng maraming papuri at paghanga sa kanya. Ginawa ni Willie ang kanyang announcement patungkol sa hindi pagtakbo nito sa darating na halalan sa kanyang programang Wowowin: Tutok To Win nakaraang araw.
Pahayag ni Willie na bukod sa hindi sya ganung magaling
magsalita ng english at wala syang kaalaman tungkol sa pag gawa ng batas, baka
lait-laitin lang daw sya sa senado. Hindi natakot si Willie na na aminin at
sabihin ang kanyang mga kahinaan.
"Hindi ako nagmamagaling. Hindi ako magaling na tao.
"I am not a bright personp, ero ang puso ko ho, laging
may pagmamahal.
"Nagkakamali ako. Nagagalit ako. Namumura ko ang staff
ko, totoo ‘yon.
"Pagalitan ko, namumura ko talaga sila, pero humihingi
ako ng tawad.
"Alam niyo kung bakit? For the show. Dapat laging sa
ikabubuti ng lahat.” – Pahayag ng komedyante.
"Dapat, every time na lalabas tayo, tama ang ginagawa
natin.
"Bakit? Bayad tayo dito. Binabayaran tayo at ‘yang
trabaho mo, paghusayan mo kung gusto mong umasenso.
"Kung mahal mo ang pamilya mo, mas mahalin mo ang trabaho
mo dahil yung trabahong ito ang nagpapakain sa pamilya mo."
Ikinuwento ni Willie na halos 7 buwan nyang pinag-isipan ang
desisyon na ito kung tatanggapin nya ang alok ni President Rodrigo Duterte na
tumakbong senador sa 2022 election. Bandang huli ay nanaig ang kanyang desisyon
na wag iwanan ang programa nyang Wowowin sa Kapuso Network GMA 7.
"Pitong buwan, araw-gabi. 'Papasukin ko ba ito?' Pero
sa nakikita ka ho, napakahirap na gawin nito."
“Sana lahat ng pulitiko, hindi pulitiko. You should be a
public servant. The word politics, tanggalin niyo sa puso at isip niyo.
“You need power? At the end of the day, darating, lahat tayo
nakahiga. Pantay-pantay lang tayo sa kabaong. Maniwala kayo sa akin.”
Mahaba ang mga mensahe na binitawan ni Willie sa kanyang
anunsyo. Tulad na lang ng mga simpleng kaalaman na kanyang sinabi na malalalim
ang kahulugan. Tulad nalang ng tungkol sa mga politikong nagpapanggap na
nagseserbisyo sa bayan pero gahaman naman sa kapangyarihan.
“Ilang milyong Pilipino ang subscriber’s ng programang ito,
25 million. Hindi pa po kasama yung mga nanonood sa araw-araw.
“Alam niyo, napakahirap ho na pasukin ang pulitika. Yung
kaibigan mo ngayon, bukas kaaway mo.
“Mag-ama, nag-aaway dahil sa posisyon. Mag-asawa, naglalaban
dahil sa posisyon.
“Dapat kung maglilingkod tayo, tanggalin ninyo ang galit sa
puso niyo.
“Hatred, wala na tayong ginawa kundi magsiraan. Hanapin yung
dumi ng kapwa niyo.
“Lahat naman ho tayo nagkakasala, ako, kayo, tayong lahat,
pero ganoon pa man, nagsisisi tayo." – Pahayg ni Willie.
“Alam niyo, ang hirap, e. Gumawa ka ng mabuti, parang isang
bond paper, puti. Malagyan lang ‘yan ng isang tintang itim 'yan, ano ang
mapapansin ninyo? Yung puti? Hindi, yung tinta. Yung dumi.
“Yun ho ang nangyayari sa ating bansa ngayon. Walang unity.
Tatakbo kayo para makaganti sa darating na mamumuno. Tatakbo tayo para hindi
makapasok yung isang mamumuno. Ganoon ba? - Pagpapatuloy ni Willie.
“Ganoon ba ang pagserbisyo sa bansa natin? ‘Yan ba ang
iniisip ng bawat pulitiko?
“Hindi ho ako nagmamagaling. Opinyon ko ho ito dahil sa
araw-araw na nasa noontime show ako at araw-araw na naririnig ng boses ko,
pambili ng gamot, pangmatrikula, pangkain namin.
“Dapat ‘yan ang pinag-uusapan niyo sa senado. Ano ang
ibibigay na batas sa mga taong naghihirap? Anong batas ang gagawin niyo?
“Ilang batas na ang ginawa niyo pero binabago ninyo?
"Dati, may death penalty. After mawala ang death
penalty, gustong ibalik. Kapag iba ang namumuno, iba na naman.
“Yung batas ng tiyan ng bawat Pilipino, yung batas ng
kinabukasan ng bawat bata na walang libro.
Post a Comment