Tuesday, October 12, 2021

Warning ni Gen. Eleazar Kay Jake - Titiyakin Kong Mananagot ka sa Batas

Sa pahayag ni PNP Chief Director Gen. Guillermo Eleazar, siniguro nya na mananagot sa batas ang aktor na si Jake Cuenca matapos ang insidenteng naganap ng takbuhan nito ang mga pulis na humabol sa kanya nitong nakaraang Sabado ng gabi.




Nakakawalang respeto daw sa batas at sa mga otoridad ang ginawa ng aktor sa mga anti-narcotics agent ng PNP. Inaresto ng mga pulis si Jake Cuenca sa di-umano nabangga nito ang isang sasakyan ng PNP at tinakbohan gamit ang minamaneho nitong sasakyan na SUV. Nung nangyari ang insidente ay may isinasagawa na anti-illegal drug operation ang PNP sa Brgy. Barangka, Mandaluyong City.




“Sa iyong ginawa, titiyakin ko na mananagot ka sa pambabastos mo hindi lang sa mga pulis kundi sa batas at sa kawalan mo ng disiplina sa sarili.” - Pahayg ni Eleazar isang video na naka-post sa social media.


“Being an actor and a public figure, he must set a good example for people who idolize him by owning up to his mistake and facing its consequences."




“Now, I understand the negative sentiments of our kababayan on this issue but let us not forget why this incident happened in the first place."


“May isang motorista na imbes na humingi ng paumanhin at panagutan ang kanyang pagkakamali ay gumawa ng eksenang pangteleserye at pampelikula.” - Pahayag ng chief ng PNP.


Humingi naman si Eleazar ng paumanhin sa grab driver na tinamaan ng stray bullet ng barilin ng mga pulis ang sasakyan ni Jake Cuenca habang hinahabol nila ito.



“I would like to assure you and your family that we will take care of all the medical expenses of your hospitalization and we shall also extend financial assistance that will also cover the period of your recovery.” - Tugon ng PNP official.



Inatasan narin ni Eleazar ang Eastern Police district patungkol sa mga police na involve sa insidente na isailalim sa restrictive custody ang mga ito habang isinasagawa ang imbestigasyon sa issue.



“We assure the public that disciplinary measures will be imposed on the personnel involved and corrective measures will be implemented in order to prevent the repeat of this incident.” - Dagdag ng PNP Chief.



Ipinagtanggol naman ng aktor na si Paulo Avelino si Jake Cuenca sa kinasangkutang issue nito. “I wouldn’t stop for anyone shooting my vehicle wearing civilian clothes."


“Pass through a checkpoint? Hinarang ba? If someone was shooting me it’s either I shoot back or run for my life. Wrong place wrong time.” Post ni Paulo sa Twitter nya.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only