Monday, September 27, 2021

Mayor Isko Moreno, Binanatan si Pangulong Duterte sa Kanyang Presidential Campaign

Pormal na inilunsad nina Mayor Isko Moreno at Dr. Willie Ong ang kanilang pagtakbo para sa halalan 2022. Tatakbo bilang Presidente si Isko Moreno at Pangalawang pangulo naman si Willie Ong.


Umabot halos ng dalawang oras ang talumpati ni Isko Moreno. Sa kanyang talumpati ay binanatan ng Manila Mayor si President Rodrigo Duterte tungkol sa pamamahala nito at pag-uugali ng pangulo na kilala sa pagmumura.



“Opo, lumaki akong busabos, pero hindi naging bastos. "Bagamat balot ako ng dumi sa katawan, ni minsan, hindi ko kailangan sabunin ang aking bibig.


"At sa kalagitnaan ng paghihikahos, ng matinding gutom na mas malakas pa ang hilab ng tiyan kesa sa aking dasal, ni minsan, hindi ako nagtampo sa Diyos. "Hindi ko Siya minura, hindi ko Siya tinalikuran at ang Kanyang mga alagad, hindi ko inalipusta.


"Sapagkat hindi natitinag ang paniwala ko sa Poong Maykapal na suklian ang iyong pagsisikap ng mga biyayang ninanais mo. “So, since the first time I laid my hands on the Bible as I recited my oath of office, this has always been my fighting faith—nasa bayan ang tiwala, sa hinalal ang gawa, nasa Diyos ang awa.” – Pahayag ng Manila Mayor.



Ito ang unag pagkakataon na nagsalita si Mayor Isko Moreno ng direkta kaugnay ng pagbanat sa sa kanya dati ni President Rodrigo Duterte noong August 9, 2021 sa isang televised public address. Kinutya ni Pangulong Duterte ang nakaraan ni Isko bilang isang sexy actor.



“Kayong mga Pilipino, huwag kayong magpaloko diyan sa mga—mga padrama magsalita pati kung. "Nakita ko nga sa Facebook kanina, lahat nang naka-bikini ang gago, tapos may isang picture pa doon na sinisilip niya yung ari niya. “Iyan ang gusto ninyo? Ang training—ang training parang… para lang, parang call boy. "Naghuhubad, nagpi-picture." - Pahayag ni President Duterte.



Sina Mayor Isko Moreano at Senator Manny Pacquiao ay kapwa ng deklara na ng kanilang pagtakbo sa 2022 national election. Si Pacquiao ay inendorso ng Pimentel faction ng PDP-Laban.

Si Senator Bong Go naman ang standard bearer Cusi faction ng PDP-Laban, kung saan si President Duterte and tatakbong pangalawang pangulo.



Matunog din ang pangalan nina Sara Duterte at Bongbong Marcos na tatakbo bilang Presidente.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only