Tuesday, September 28, 2021

Kilalanin ang Unang Pinay Elected Member ng Canada's Parliament

Isa nanamang achievement para sa mga Pinoy ang pagkakahalal ng Filipino-Canadian na si Rechie Valdez sa House of Commons sa Canada. Si Rechie ang unang babae na may lahing Filipino na nahalal sa Canadian Parliament, at sya diin ang pangalawang may dugong Pinoy na nahalal sa House of Commons sa Canada.




Ang Parliament of Canada ay may tatlong bahagi: The Monarch, The Senate, at The House of Commons. Si Rey Pagtakhan naman ang unang Pinoy na nagging member ng Parliament of Canada. Kinatawan naman sya ng Winnipeg North sa Manitoba at nag silbi mula 1988 hanggang 2004. Tinapos ni Rechie Valdez ang 17-year drought na walang representative na mga Pinoy immigrants at Filipino-Canadian sa Parliament of Canada.




Ayun sa Pahayg ni Rechie sa kanyang victory speech - “This is a ‘we’ moment. We did this together…Today we made history and her-story, as you helped elect the first Filipina in parliament.”



Ang hamon sa pagkilala ng Canada sa educational attainment ng mga Filipino na mula diito sa Pilipinas ang isang issue ng Filipino Community doon. Isa ito sa mga nais isulong ni Rechie sa kanyang pagka panalo. Na saksihan ni Rechie sa kanyang paglaki ang sakripisyo ng kanyang mga magulang para mabigyan sya ng magandang kinabukasan sa Canada. At ito ang kanyang dadalhin sa bago nyang posisyon.



“You need to know where you came from, you need to understand what that is, and that’s the reason why we have those privileges today.” – Pahayag ni Rechie.



“You need to believe in yourself, you need to believe in who you are". “Believe in all of that that grounds you, because that is the single most important thing you can do to navigate in this world". “Always remember where you come from.” – Payo naman ni Richie sa mga tulad nyang nangangarap.


Si Rechie Valdez ay isinilang ng kanyang mga Pilipinong magulang sa Zambia, Affrica. Pumunta sila ng kanyang mga magulang sa Canada noong 1989.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only