Ang lalaking nasa litrato ay si Rhap at ang kanyang
boyfriend. Iyon ang naging hudyat ni Rhap sa kanyang pag-reveal sa publiko.
Nuong April naman ay nag-post ulit ang singer ng kanilang litrato, sa
pagkakataon na ito ay ipinakita na nila ang kanilang mukha. Ang kanyang nobyo
ay si Erwin Laroya, 30.
Kahit open na si Rhap sa kanyang social media accout sa pag-popost ng litrato ng kanyang nobyo, hindi pa rin nag-sasalita si Rhap ng tungkol sa kanyang pagka-come out.
Kahit open na si Rhap sa kanyang social media accout sa pag-popost ng litrato ng kanyang nobyo, hindi pa rin nag-sasalita si Rhap ng tungkol sa kanyang pagka-come out.
August 10, 2020 ng eksklusibong naglahad si Rhap ng tungkol
sa kanyang pag-amin bilang isang miyembro ng LGBTQ++ ( gay, lesbian, bisexual,
transsexual, queer) community. Sabi niya,
“It was a struggle somehow, kasi madami nga ang nakakakita
at madami silang nasasabi sa bawat kilos o galaw ko. I find it really insulting
kapag tinatawag akong ‘bakla’, ‘bading’, or ‘gay’ when I was little. Sobrang
uncomfortable yung pakiramdam.”
Dinala niya raw ang hirap na ito hanggang sa
kanyang pagbibinata. Naging tampulan din siya ng pangungutya sa social media ng
mga netizens. Ngunit mas pinili pa rin ni Rhap na manahimik at wag ng patulan
pa ang mga komento tungkol sa kanya.
“ Before, I am aware that people were questioning na about
my gender, and tahimik lang ako at ini-enjoy lang ang work with ABS-CBN, until I learned how to
accept who I really am. From insult, naging lakas ng loob ko na siya.”ayon kay
Rhap.
Hanggang noong 2019 ay nagkaroon na ng lakas ng loob si rhap
at umamin siya sa kanyang pamilya.
“Last year I decided to come out to my family which was very
challenging yet soul-satisfying.” Sabi pa ni Rhap, “Nobody pushed me to come
out. It is just I want to be more of myself. I started to love myself more and
be happy.”
Ayon kay Rhap, hindi na raw siya nababahala sa mga kumukutya
sa kanya. Masaya siya kung ano siya at tinanggaap siya ng kanyang pamilya at
mga kaibigan.
“Coming out was really the best relief na naramdaman ko sa
sarili ko. That I will never live my life again hiding and pretending to be
someone that I am not.”
Nakilala si Rhap Salazar nang itanghal siya bilang Brightest
Star sa Little Division ng singing search sa “Little Big Star” noong 2005 sa
ABS-CBN. Si Sarah Geronimo nuon ang host ng singing competition kung saan duon
din nadiskubre sina Sam Concepcion, Makisig Morales at Charice Pempengco, na
ngayon ay kilala na bilang Jake Zyrus. Binigyan din nuong November 2009 si Rhap
ng standing ovation sa “The Ellen DeGeneres Show” nang kantahin niya ang “All
By Myself” ni Celine Dion.
Post a Comment