“Masaya po ako dahil, una sa lahat, tuloy-tuloy po ang programang
ito.”
At duon ay nagpasalamat siya sa mga bosses ng Kapuso
network. Ito ay sila Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe Gozon, Chief
Operating Officer Jimmy Duavit, First Vice President for Program Management
Joey Abacan at Chief Finance Officer Felipe Yalung.
Dagdag ni Willie, “Kaya ko sila pinasasalamatan po dahil,
noong nagsisimula ako sa GMA, ito po yung nagtiwala at naniwala sa akin.
Nuong August 4, 2020 ay pumirma ng kontrata si Willie para sa isa pang taon ng kanyang programa. Ayon sa kanya, shine-share niya raw ang kanyang blessing na ito dahil siya ay natutuwa na muli pa niyang makakasama ng isa pang taon ang kanyang mga taga-suporta. Nag-umpisa umere ang show ni Willie na “Wowowin” sa GMA-7 nuong May 2015 as a blocktimer sa Sunday timeslot.
Kagaya din ng lahat ng palabas sa telebisyon, ang Wowowin ay
tumigil din sa pag-ere dahil sa nangyaring pandemiya. Ngunit nag-labas sila ng
bagong format ng show na “Tutok To Win” kung saan namimigay siya ng papremyo
through phone patch, sa kanyang mga loyal na manunuod.
Inihayag ni Willie kung gaano siya kasaya na maging parte ng Kapuso network. “Tibok ng pagmamahal, tibok ng concern, tibok ng tunay at taos-pusong pagmamalasakit sa kanilang mga tao.” Yan ang ilan sa mga sinabi ni Willie habang pinasasalamatan din ang ilang mga staffs ng programa.
Nito lamang nakaraan ay nag donate si Willie ng 5 million pesos sa
mga jeepney drivers na labis na naapektuhan ng pandemiya. At tig 100 thousand
pesos naman sa 4 na pamilya na naulila ng ating mga kababayan sa pagsabog sa
Beirut, Lebanon.
Post a Comment