Tuesday, August 11, 2020

Litrato ni Marvin Agustin at Markki Stroem Totoo Nga Ba?

Photo from PEP.PH
Nabuhay na namang muli ang isyu sa pagitan ni Marvin Agustin at Markki Stroem, ito ay dahil sa isang larawan na pinag-usapan sa social media. Para sa mga nakakakita ng larawan ng dalawang lalaking nakahiga, na si Marvin daw ang natutulog sa dibdib ni Markki na nakatingin at nakangiti sa larawan.

May mga nagsabi naman na hindi daw ganuon kalinaw ang muka ng nakahigang lalaki sa dibdib ni Markki. Sa litrato makikita na natatakpan ng kumot at parehong walang suot na pantaas ang dalawang lalaki. Pinagpasahan na ang litratong ito sa social media at halo-halong komento naman ang natanggap nito. May mga condemning, supportive at ang iba ay neutral lang sa larawan na ito.

Photo from PEP.PH
Ganunpaman, wala pa rin namang kumpirmasyon kung totoo nga ba ang larawan o edited lamang. Palaisipan din kung sino ang kumuha ng litrato at nagpakalat nito. Hinihingian naman ng panig ang dalawang aktor, ngunit wala silang response o reply ukol dito.

Naging usap-usapan na rin nuon ang diumano’y relasyon ni Marvin at Markki. Ito ay matapos din makita ang dalawa na mag-kasama sa kanilang bakasyon sa Batangas at sa Japan. Umingay ang ugnayan ng dalawa  nuong January 2018 matapos mag komento ng mga netizens na #lovewins sa kanilang litrato na nasa bakasyon na ibinahagi ni Markki sa kanyang Instagram.  Sa panayam naman nuon kay Markki, sinabi niya na kiabigan niya daw si Marvin, “He’s my friend, we do business together, so we’ve been working together for a while.”

Photo from PEP.PH
Samantalang ng tanungin naman si Marvin, “He”s a good friend.” maigsing tugon naman ng aktor tungkol kanilang isyu. Ayon pa sa kanya, “Twenty-two years na ako dito [sa showbiz], wala na yatang makakapag-papikon pa sa akin.


Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only