Monday, July 13, 2020

HINDI KA NAMIN IIWAN: Kathryn Bernardo Nanindigan ng Katapatan sa ABS-CBN



“Hindi ka namin iiwan”: Mensahe ng aktres na si Kathryn Bernardo sa ABS-CBN matapos mag desisyon ang kongreso na hindi i-renew ang prangkisa nito. “Kami naman ngayon, hayaan mong kami ang magbigay ng liwanag sa 'yo sa panahong pinaka-kailangan mo kami”, post ng aktres sa kanyang social media account. Loyalty, eto ang idineklara ng aktres bilang pag suporta sa ABS-CBN. Eto daw ang tamang oras para lumaban para sa kanilang network. Sinabi ni Kathryn na hindi nya iiwan ang kanyang network kahit na hindi eto pinayagan ng House Committee to renew their franchise.



Sa isang post ni Kathryn Bernardo sa kanyang social media account sinabi nya na: Ang dami mong pinagdaanan nitong mga nakaraang buwan. Ang daming sumubok sa 'yo, nangmaliit at kumutya. Pero hindi ka sumuko. Nandito ka pa rin, patuloy na nagbibigay ng pag-asa sa aming lahat." "Kami naman ngayon, hayaan mong kami ang magbigay ng liwanag sa 'yo sa panahong pinaka-kailangan mo kami. Hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Hindi ka namin iiwan hanggang sa makabangon ka muli. Magpakatatag ka. Kakayanin natin 'to nang magkakasama. Mahal kita, ABS-CBN. Tandaan mo 'yan."




Isa si Kathryn sa mga sumama sa caravan nung nakaraang Biyernes July 10, 2020. Nanawagan sila sa mga legislators na i-renew ang prangkisa ng kanila istasyon na ABS-CBN. Nasa total na 70 members ng House of Representatives, at ibat-ibang legislative franchises committee at ranking officials, na bumuto na pabor sa resulusyon na hindi i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN ukol sa renewal ng franchise nito. Nasa 11 lang ang bumuto nahindi pabor dito, dalawa ang inhibited, at isa ang abstained.  Sa Pilipinas, ang broadcast media tulad ng television at radio ay kailangan mag secure ng isang legislative franchise. Na expire na ang prangkisa ng ABS-CBN at mawawalan ng trabaho ang 11,000 nitong mga empleyado sa lahat ng departamento nito. Ang ABS-CBN ang pinaka malaking media network sa bansa.



  1. Maniwala kayo jan. Pag nag-offer lang ang chaneel 7 ng magandang presyo pag hindi andun agad yan. Sasabihin lang nyan, Career move po ito........... Wahahahahahah.....

    ReplyDelete

Whatsapp Button works on Mobile Device only