Hindi
pinahintulutan mag shoot ng kanilang bagong proyekto ang grupo ng aktor na si
Piolo Pacual at direktor na si Joyce Bernal sa Sagada Mt. Province. Ayon sa
report ng Sunstar Baguio(local news) ipinaliwanag nila ang pahayag ng Sagada
Mayor na si James Pooten patungkol sa pag papaalis nila sa grupo nila Piolo
Pascual na kasalukuyan nuon nasa Highland Town ng Sagada, kahit pa meron at
kumpleto ang kanilang permit mula sa Malacañang. “We hope to keep Sagada
Covid-Free, hindi nakukuha sa palakasan ito. Health kasi ng mga tao ang
kailangan alagaan.” ika ng Sagada Mayor James Pooten. Para sa kapakanan ng mga residente ng Sagada,
hiniling nila na umalis ang grupo ng aktor.
Ika nila ay wala daw permit ang makakapag pabago ng kanilang desisyon na
isara ang lugar mula sa mga turista kahit pa galling sa Malacañang ang permit
nila.
Nagbigay
naman ng ilang komento ang Netizens tungkol dito.
Isa
ang lugar na Sagada na Covid-Free simula ng kumalat ang virus sa bansa. Nais
sana mag shoot ng grupo nila Piolo Pascual at director Joyce Bernal para sa State of the Nation Address ni Pangulong
Rodrigo Duterte.
Ang
loyalty ko ay nasa ABS-CBN since I was born. Ayon sa statement ng actor. Hindi
din daw dahil o may bahid na pulitika ang pag punta nya sa Sagada at hindi daw
sya mahilig sa politika. Marunong daw sya tumanaw ng utang na loob, ika ng
aktor at nalungkot daw sya ng mahusgahan sya agad sa social media kahit hindi
pa naririnig ang kanyang panig. Nilinaw din ni Piolo na walng rin kinalaman sa
politika ang pagkakaibigan nila ni Direk Joyce Bernal. Pareho dawn yang mahal
ang Pilipinas at ABS-CBN kahit sino pang pangulo ang nakaupo sa pwesto, pahayag
ng aktor. Kung titignan ang social media accounts ni Piolo may mag post sya ng
pag suporta sa kanyang istasyon na ABS-CBN pagdating sa kinakaharap nitong isyu
tungkol sa franchise renewal nito.
Post a Comment