“Hindi ka namin iiwan”: Mensahe ng aktres na si Kathryn
Bernardo sa ABS-CBN matapos mag desisyon ang kongreso na hindi i-renew ang
prangkisa nito. “Kami naman ngayon, hayaan mong kami ang magbigay ng liwanag sa
'yo sa panahong pinaka-kailangan mo kami”, post ng aktres sa kanyang social
media account. Loyalty, eto ang idineklara ng aktres bilang pag suporta sa
ABS-CBN. Eto daw ang tamang oras para lumaban para sa kanilang network. Sinabi
ni Kathryn na hindi nya iiwan ang kanyang network kahit na hindi eto pinayagan
ng House Committee to renew their franchise.
Sa isang post ni Kathryn Bernardo sa kanyang social media
account sinabi nya na: Ang dami mong pinagdaanan nitong mga nakaraang buwan.
Ang daming sumubok sa 'yo, nangmaliit at kumutya. Pero hindi ka sumuko. Nandito
ka pa rin, patuloy na nagbibigay ng pag-asa sa aming lahat." "Kami
naman ngayon, hayaan mong kami ang magbigay ng liwanag sa 'yo sa panahong
pinaka-kailangan mo kami. Hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Hindi ka namin
iiwan hanggang sa makabangon ka muli. Magpakatatag ka. Kakayanin natin 'to nang
magkakasama. Mahal kita, ABS-CBN. Tandaan mo 'yan."
Isa si Kathryn sa mga sumama sa caravan nung nakaraang
Biyernes July 10, 2020. Nanawagan sila sa mga legislators na i-renew ang
prangkisa ng kanila istasyon na ABS-CBN. Nasa total na 70 members ng House of
Representatives, at ibat-ibang legislative franchises committee at ranking
officials, na bumuto na pabor sa resulusyon na hindi i-renew ang prangkisa ng
ABS-CBN ukol sa renewal ng franchise nito. Nasa 11 lang ang bumuto nahindi
pabor dito, dalawa ang inhibited, at isa ang abstained. Sa Pilipinas, ang broadcast media tulad ng
television at radio ay kailangan mag secure ng isang legislative franchise. Na
expire na ang prangkisa ng ABS-CBN at mawawalan ng trabaho ang 11,000 nitong
mga empleyado sa lahat ng departamento nito. Ang ABS-CBN ang pinaka malaking
media network sa bansa.
Maniwala kayo jan. Pag nag-offer lang ang chaneel 7 ng magandang presyo pag hindi andun agad yan. Sasabihin lang nyan, Career move po ito........... Wahahahahahah.....
ReplyDelete