Komedyanteng si Kim Idol pumanaw nitong lunes July 13 sa edad na 41. Kinumpirma ng Eat Bulaga co-host at komedyanteng si Allan K, isa sa matalik na kaibigan ni Kim ang kanyang pag panaw. "You were one of the best talents Klownz and Zirkoh have ever had. One of the funniest on and off stage. You will always be remembered by people whose lives you touched through comedy. Rest in peace Kim Idol. We will miss you."
Si Kim o Michael Argente sa tunay na buhay ay isang
volunteer frontliner sa Philippine Arena bago ang kanyang pagkamatay. Ang kanya
namang ina na si Maria Argente ay kinumpirma rin ang kanyang pag kawala.
Hinihintay naman ng kanyang pamilya ang resulta ng
COVID-19 test na isinagawa kay Kim. Naka depende sa magiging resulta kung
ibuburol ang kanyang labi o iki-cremate kaagad ito. Kapag negative ang resulta,
maglalaan sila ng sked ng burol para sa pamilya, malapit na kaibigan at fans.
Sa Funeraria Pilipinas sa Makati ang kanyang burol kung sakali.
Tila may premonition na si Kim Idol sa kanyang mga kasamahan
na frontliners dahil nitong lingo lamamg ay binigyan si Kim ng tribute.
Ayon sa post ng isa sa kanyang malapit na kaibigan sa si
Brianne “SOBRANG PROUD AKO SA YO KIM IDOL Kahapon ay binigyan ng SALUDO ng mga
SUNDALO, DOCTORs, NURSES, at mga FRONTLINERS ng BUREAU OF QUARANTINE kasama ng
mga OPISYAL nito si MICHAEL ARGENTE a.k.a. KIM IDOL bilang pagpapugay sa 4 NA
BUWAN nyang Paglilingkod at Pagpapasaya sa mga COVID 19 PATIENTS. ANG DAMING
NAGMAMAHAL SA YO Kim. LABAN KA LANG. Me awa ang Diyos. GAGALING KA. I CLAIM IT.
In JESUS’ MIGHTY NAME.” Si Brianne ang nagrekomenda kay Kim upang maging
volunteer sa mga COVID-19 patients na naka quarantine nuon sa isang hotel ng
Makati City at hanggang sa siya siya ay malipat bilang marshall sa Philippine
Arena.
Post a Comment