Napatunayan ang impluwensya ni Senator Manny Pacquiao bilang
isang international boxer dahil sa pagbibigay-pugya sa kanya ng buong mundo
matapos nyang ianunsyo ang kanyang pagreretiro sa larangan ng boxing.
Naging headline sa ibat-ibang bansa ang pagreretiro ni
Pacquiao, tulad ng BBC, People, Washington Post, The New York Times, at ng iba
pang international news organization. Nag desisyon na si Pacquiao na talikuran ang
propesyon na nagpabago sa takbo ng kanyang buhay at nag anunsyo ng kanyang
pagtakbo bilang Presidente ng bansang Pilipinas.
Sa farewell video ni Pacquiao, hindi nya nakalimutan na
pasalamatan ang lahat ng mga tao na naging bahagi ng kanyang tagumpay. Umabot
halos ng limampung pamilya at tao ang pinasalamatan ni Pacquiao sa kanyang
farewell video.
Ngunit marami ang nagtataka dahil hindi nya nabanggit sa
kanyang farewell video ang pangalan ng businessman at politician na si Luis
“Chavit” Singson na mayor ng Narvacan, ilocos Sur. Malalim at matagal ang
pinagsamahan nina Pacquiao at Chavit, dahil hindi nawawala si Singson sa lahat
ng laban sa boxing ni Pacquiao noon.
Nagtaka ang karamihan sa hindi pagsuporta ni Chavit Singson
sa nakaraang laban ni Pacquiao sa Cuban boxer na si Yordenis Ugas na naganap
nakaraang August 2021 sa La Vegas, Nevada. Bago ang laban ni Pacquiao kay Ugas,
nagsalita si Chavit Singson sa isang radio station tungkol sa hidwaan nilang
dalawa ni Pacquiao.
"First time kong di nanood, dahil sa paglaglag niya sa
akin na wala sa lugar," - Pahayag ni Chavit sa programa.
Inamin ni Chavit na nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan
ni Pacquiao dahil sa gusto ng senador na dagdagan o taasan ang buwis ng mga
tabacco industry, na isa sa mga ikinabububuhat ng mga negosyante at mga tao sa
Ilocos.
“Mag-aral ka muna!” - pahayag ni Chavit kay Pacquiao nang
tanggihan nito ang pakiusap na huwag taasan ang buwis sa tabacco. Bisyo ang
sigarilyo para kay Pacquioa at hidni dapat taasan ang presyo ng bigas at mga
pagkain kaya tinanggihan nya ang hiling ni Chavit Singson.
“Kinausap niya ako sa tobacco tax increase. Huwag ko daw
ituloy "Pero sabi ko, 'Pasensiya ka na. Best friend kita pero hindi kita
mapagbibigyan". – Pahayag ni Pacquiao.
Hindi maitago ni Chavit ang galit sa mga taong naka paligid
kay Pacquioa, dahil umano ito ang mga nagsusulsol kay Pacquioa na lumayo sa
kanya dahil nalalapit na ang 2022 halalan. "Sinulsulan kasi ng mga bagong
handler na media na, 'Ipakita mo na di ka ma-control ng ibang tao.' Ako ang
ginamit na sampol”. – Pahayag ni Chavit.
“Napakadali mong sinagot 'kako na kilala mo ako, di ko
magagawa 'yan, ganoon sana dapat. "Full support ako sa kanya noon, pero
ngayong tinapon ako. Alangan ipagpilitan ko pa sarili ko? "Sinakyan niya
yung itinuro sa kanya... ang tagal ng pinagsamahan [namin] tapos ganoon lang
ginawa sa akin, siyempre masama rin ang loob ko."
Ang hindi pagkakaintindihan ng dalawa ay nag-ugat sa issue ng tobacco excise tax. Ito ang nakikitang dahilan kung bakit hindi kasama si Chavit Singson sa mga taong pinasalamatan ni Pacquioa sap ag retire nito sa boxing.
Post a Comment