Saturday, October 9, 2021

May mga Katanungan si Jeric Raval kay Aljur Abrenica Tungkol sa Panliligaw nito sa Kanyang Anak na si AJ Raval

Marami ang naghihintay sa reaksyon ni Jeric raval patungkol sa pakikipag ligawan ng kanyang 21-year-old daughter na si “Elizabeth “AJ” Raval” kay Aljur Abrenica 31. Sa pagkaka-alam ng maraming netizen ay protective father si Jeric Raval sa kabila ng pagkakaroon nito ng maraming anak sa ibat-ibang babae.




Kinumpirma ni AJ Raval ang tungkol sa relasyon nya kay Aljur Abrenica sa isang panayam sa kanya para sa kanyang parating na bagong pelikula na Shoot! Shoot! Hindi Kita Titigilan.




Hindi naging maganda ang mga opinion ng mga netizen patungkol sa pagmamabutihan nina AJ at Aljur dahil kakahiwalay palang ni aljur sa kanyang asawa na si Kylie Padilla at hindi pa annulled ang kasal ng dalawa. Nag-aalala din ang mga netizen patungkol kay AJ Raval, dahil baka maapektohan ang gumagandang career nito sa showbiz industry sa pakikipag relasyon nito kay Aljur Abrenica.




Sa isang mga pinadalang mga tanung kay Jeric Raval ay halatang nagaalala ito sa mga naging sagot ng aktor. Ayun kay Jeric mayroon syang mga bagay na itinanung kay Aljur nung magkita sila.

Una kaming nagkita niyan sa PDEA office dahil inihatid niya ang anak ko.


"Dun ko siya unang nakausap at tatlong bagay lang ang itinanong ko sa kanya.

"Una, nanliligaw ba siya sa anak ko? He answered me, ‘Yes po.’

“Second, kung 'ikaw ba ay hiwalay na?'

“Third, 'Ano kaya ang sasabihin ko sa biyenan mo (Robin Padilla) kung aksidenteng magkita kami?'"



Ipinaliwanag naman ni Jeric kung bakit niya tinanong ang mga bagay na yun kay Aljur.


“Kaya ko tinanong ‘yon dahil, unang-una, alam ko na anak ni Robin ang asawa niya.

“Pangalawa, magkaibigan kami ni Robin, kaya hindi mo maiaalis sa akin na medyo mahiya sa sitwasyon dahil ayokong isipin ng mga tao o ninuman na ang dahilan ng pagkakahiwalay nila o third party, e, ang anak ko.



“Sabi ko pa sa kanya, 'I have nothing against you, kaya lang kaibigan ko ang biyenan mo. Kung in good faith naman ang panliligaw mo sa anak ko, well, then kailangan nasa ayos ang lahat.'“Gaya nga ng nasabi ko, hindi magiging masaya ang isang relasyon kung may natatapakan."


Hindi raw nagkausap ng matagal sina Jeric at Aljur nung time na yun. Dahil meron pang ibang lakad si Jeric at presscon.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only