Tuesday, October 5, 2021

Ben Tulfo Binanatan si Vice Ganda: Tinawag na "Dilawan" at "Balimbing"

Hindi nagustuhan ni Ben Tulfo ang pahayag ni Vice ganda tungkol sa taong panay ang post ng mga Bible verses pero panay naman ang pag suporta sa mga magnanakaw. Hindi na napigilan ni Ben Tulfo na mag-react at ilabas ang saloobin on-air sa kanyang programang “Pambansang Sumbungan”.




Sa pag-umpisa palang ng programa ay lumabas na agd ang issue na ito patungkkol sa sinabi ni Vice Ganda sa noon time show na “It’s Showtime”.




“Vice Ganda, kung nakikinig ka at kung sinuman ang mga alipores mo, chuwari-wariwap mo, sa mga palabas mo, para sa ‘yo ‘to.



“Nabubuhay ho kami doon sa mga bible verse na pinanindigan ho namin. Hindi ho kami basta nagpo-post nang hindi ho namin pinaniniwalaan,” – Pahayag ni Ben Tulfo.



Kahit walang diretsong pinatatamaan si Vice Ganda sa mga sinabi nito ay na offend parin si Ben Tulfo dahil madalas ang pag feature ng Bible verses ng kanyang programa. Sinabihan pa ni Ben Tulfo na “Pekendus” at mukha raw itong “Yokabaps”.



“Wag na ‘wag mong sasabihin ulit, hindi mo ige-generalize. Kasi kami, we feel na ‘yung sinasabi mo, parang pati kami hagip dyan. Dapat nilinaw mo. Pino-post namin sa social media, yung mga sinasabi ho namin, mga bible verses… Naniniwala ho kami dito, may pananampalataya po kami dito”. – Dagdag na pahayag ni Ben Tulfo.



Sinabi rin ni Ben Tulfo sa kanyang program na naninindiga sila at handing makipagbasagan ng mukha sa kahit na sinong nang-aabuso at nang-aapi na kahit na ganun ay mahalaga parin sa kanila ang Poong Maykapal kaya part ng kanilang mga programa ang mga Bible verses.

Tinawag din ni Ben Tulfo na “Balimbing” at “Dilawan” si Vice Ganda. Dahil daw noong araw ay sinusuportahan ni Vice ang Pangulong Duterte, at dahil daw sa nangyari na pagpapasara ng ABS-CBN ay sumama ang loob ni Vice Ganda at kung sino-sino nalang tinitira nito.



“Bahala ka sa iyong sinasabi. Isang bagay lang, kami medyo napapasaringan mo’ – Huling pahayag ni Ben Tulfo sa komedyante.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only