Tuesday, January 19, 2021

Crisha Uy, Muling Nagsalita Sa Relasyon Ni Joem At Meryll, "I was betrayed all over again."


Inamin ni Crisha Uy na noong kumalat sa social media ang pagbabalikan nina Joem Bascon at Meryll Soriano, ay nakaramdam siya ng galit.

 

January 1, 2021, nang isapubliko ni Meryll gamit ang kanyang Instagram account ang first family picture nila ni Joem kasama ang kanilang new born baby.

 

.

Ayon kay Crisha ay hindi raw maiwasan na manumbalik sa kanya ang paghihiwalay nila ni Joem nuon, dahil mas naging malinaw na raw sa kanya ang pagsisinungaling ng aktor nuon.


Hindi man binanggit ni Crisha ang mga pangalan nina Joem at Meryll sa kanyang recent vlog noong January 17, 2021, ngunit hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan kung sino ang kanyang ex-boyfriend at kung sino ang tinutukoy nito.

 

 Ayon kay Crisha, “Nagalit ako kasi bumalik yung feelings ko na I was betrayed all over again,”

 

“Iba pala yung feeling na nakita mo versus yung kinuwento or chinika lang sa ‘yo.”

 

Dagdag pa niya, “Feeling ko kasi kailangan ko ilabas yung naramdaman ko that day, yung galit ko. yung sakit na ‘yon kung anu man naramdaman ko that day.

 

Hindi raw dahil na mahal niya si Joem, dahil naka-move on na raw siya, kundi dahil finally nakumpirma niya raw na talagang nagsinungaling ang kanyang ex-boyfriend na si Joem.

 

“Sampal sa mukha na tama pala yung hinala ko noon… na finally, girl, confirmed! Ganoon yung feeling.”

 

December 2019 nang sinabi ni Joem sa isang panayam na walang third party sa paghihiwalay nila ni Crisha.


Febuary 2020 naman nuong umalis si Crisha sa tirahan nila ni Joem nuon, at dun din niya nalaman ang tungkol kay Joem at Meryll.

 

Sinabi ni Crisha na alam niya na raw ang totoo, “Alam ko na yung relationship nila, their bundle of blessing long way  before pa nung na-upload yan,”

 

Sa huli ay ipinahiwatig ni Crisha ay sana man lang raw ay nagsabi sakanya ng totoo ang actor at sa totoong dahilan ng hiwalayan nila.

 

Ganun pa man ay nagpapasalamat din siya at hindi sila nagkaroon ng anak ni Joem, yun ay dahil gusto rin nila muna nuon na mauna ang kasal bago magka-anak.

 

“I thank God na hindi natuloy yun kasi we are really not meant to be. God is good.”

 

Si Crisha ay nagdiwang ng kanyang 27th Birthday nito lamang January 5, 2021.


Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only