Monday, July 12, 2021

Robin Padilla - Ibinunyag Ang Totoong Dahilan Ng Hiwalayan

Kinumpirma na ni Robin Padilla na hiwalay na ang anak nyang si Kylie Padilla kay Aljur Abrenica. Matatandaang naging usap-usapan na hiwaly na sina Aljur at Kylie ilang buwan na ang nakakalipas. Nag umpisa ito ng mag-post si Kylie ng isang cryptic message sa kanyang Instagram account noong February 2021. Sa panayam ni Robin Padilla kay Ogie Diaz ay kinumpirma nya ang balita, ayun kay Robin hiwalay na ang dalawa at meron din sinabi si Robin na merong nangyaring third party.



Sa vlog na lumabas ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel, tinanung nya si Robin kung panu nya hinarap ang issue tungkol sa kanyang anak na si Kylie at asawa nitong si Aljur. “Hiwalay”? balik na tanung ni Robin. Pagpapa tuloy nya, “wala, wala namang sinasabi yung anak ko. Noon pa lagi kung tinatanung si Kylie, agrabyado ka ba? Hindi naman daw, Okay lang ako Pa. Itong tinanung ko ulit sya, anak agrabyado ka ba? Hindi pa, ako ang nakipag hiwalay eh”. Katwiran ni Robin kung bakit hindi sya nakiki-alam sa problema ng mag-asawa “wala namang papel ang tatay doon, ako ha, ibig kung sabihin hindi ka kailangan maki-alam sa away ng mag-asawa yun eh. May mga anak pa.



Bagamat masakit sa amang tulad nya ang nangyari ay sinabi ni Robin na ang pangangalaga ng kanyang apo ay naiwan kay Kylie. Pahayag pa ng action star third party umano ang naging dahilan ng hiwalayan ng dalawa, bagay na nauunawaan nya bilang isang lalaki lalo’t na maka ilang ulit narin syang nangaliwa noon. Hindi daw sya manghihimasok sa problema ng mag-asawa, ngunit isa lang ang masasabi nya “tinanung ko sya syempre, ang mga una kung mga tinanung sa kanya, sinaktan ka ba? Yan ang mga unang tanung. Dun lang naman tayo papasok pag nasaktan ang anak mo, eh wala naman mabait din naman si Aljur”. Sa kabila ng nangyari wala rin balak si Robin sa gusot ng mag-asawa dahil sila lamang umano ang makaka-ayos nito.




Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only