Tuesday, January 19, 2021

Heart Evagelista, Muntik Ng Pumailalim Sa Truck Matapos Iligtas Ang Kanyang Aso


Hindi sinasadyang makalabas ng sasakyan ang aso ng actress at animal lover na si Heart Evangelista, nagtatakbo sa kalsada ito at ayon sa tweets ni Heart, ang insidente ay nangyari noong nakaraang Miyerkules, January 13 mga bandang hapon.

 

Nasa biyahe noon ang actress na si Heart kasama ang kanyang kapatid na si Camille Ongpauco, ilang kaibigan, hairstylist at ang kanyang AsPin na si Cheche.

 

Sa unang tweet ni Heart ay ibinahagi niya ang picture ng kanyang aso habang nasa loob ng sasakyan. Sa caption ni Heart, “Nakakaloka hinabol naming si Che Che sa daan! Muntik ako lumusot sa truck!”

 


Sa kanyang sumunod na tweet naman ay hiniling niya na sana raw ay walang kumuha ng video sa insidente “dahil mukha akong tanga.”

 

Naka todo ayos daw kasi siya noon at naka high heels pa, habang pinipigilan ang mga trucks at sasakyan sa dumadaan.

 

Mabuti na lamang raw ay may mabait na lalaki ang nagbukas ng pinto ng kanyang sasakyan at naharangan ang kanyang aso na si Cheche at nakuha nila ito.

 

Sa tweet ni Heart. “To the man who opened his car door to stop cheche thank YOU!” Nagpasalamat din si Heart sa mga security guards, “my hairstylist, all my friends and sister Camille” na tumulong para mahabol ang kanyang pet na si Cheche.

 

Sabi ni Heart “thank you lord ok lahat,”

 

At dahil napakuwento at naibahagi na niya ang nangyari sa kanyang aso, nakalimutan raw niya na nasa Twitter din pala ang kanyang asawa na si Chiz Escudero at dahil diyan ay baka mapagalitan siya nito.

 


Kilala si Heart bilang isang animal-lover at isa sa kanyang adbokasiya ang pagbibigay ng foster homes sa mga abandonadong aso.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only