Photo from Google |
Ang Kapamilya actress na si Julia Barreto ay nagtungo sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong September 25, Biyernes.
Ito ay upang pormal na maghain ng kaso o cybercrime complaint
laban Jay Sonza na dating mamamahayag. Kasama
ni Julia ang kanyang ina na si Marjorie Barreto.
Nag-ugat ito ng magpakalat ng balita si Jay Sonza sa kanyang
Facebook page noong September 21, 2020 tungkol sa pagbubuntis o pagdadalang tao
daw ni Julia at ang actor na si Gerald Anderson daw ang ama.
Ayon kay Jay Sonza, “Napatunayan ni Visoy- Visayan Tisoy Gerald
Anderson at anak nina Dennis Padilla at ni Marjorie na si Julia Barretto na
kapwa hindi sila baog.”
“After months of love lockdown and ESQ (exact sex quadrant) –
may nabuo sa sinapupunan ni Julia.”
Ang kumalat na balitang ito ay pareho namang itinanggi ni
Julia at Gerald. Naglabas na rin ng opisyal na pahayag dito si Julia tungkol sa
pagtungo niya sa NBI.
Ito ang kabuuang pahayag ng aktres na si Julia:
“I am pursuing this case because the statements made by Mr.
Sonza are untrue and irresponsible. The widespread reposting of the news based
on his post caused distress to me and my family.”
“I don’t want to take this matter lightly. Mr. Sonza and all those who publish these reckless and baseless posts, must be held accountable for their actions so that they think twice before claiming things as fact.”
Post a Comment