Friday, October 2, 2020

Ina ni Lloyd Cadena Nagsalita Na Tungkol sa Pagpanaw Nang Anak, At Labis Na Nagpasalamat Kay Ivana Alawi


Pagkatapos ng biglaang pagpanaw ng Youtuber na si Lloyd Cafe Cadena, nagsalita na sa unang pagkakataon ang kanyang ina na si Lorita Cadena o kung tawagin sa vlog ay Mother Kween.

 

Pumanaw si Lloyd noong nkaraang buwan, September 4 dahil sa COVID-19. Nito lamang Miyerkules, September 30 ay nagsalita ang ina ni Lloyd at ibinahagi ang lubhang pagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang anak.

 

Ayon kay Mother Kween, sinisikap daw niyang maka-recover sa nangyari sa anak na si Lloyd.

 

Sa vlog ni Mother Kween, sinabi niyang.. “Mahirap man tanggapin, tanggapin na lang natin kasi alam kong mahal si Lloyd ng Panginoon kaya kinuha siya. Although mahirap sa aming family, wala tayong magagawa dahil hiram lang naman si Lloyd. Hiram ko lang naman si Lloyd.”

 

Dagdag pa niya, ngayon lang daw siya nagsalita dahil ngayon lang daw niya kaya magsalita.

 

Nilinaw rin niya na siya ay negatibo sa COVID-19. Nagpa-swab test daw sila sa loob ng bahay at sa awa ng Diyos naman daw ay negatibo ang resulta kaya wala daw dapat ipag-alala sa health niya.

Nagpasalamat din si Mother Kween sa mga kaibigan at kapwa Youtuber ni Lloyd na nakiramay sakanilang pamilya. Lubos din ang pasasalamat niya sa Youtuber-actress na si Ivana Alawi dahil sa inabot na tulong ni Ivana sa kanilang pamilya. 


Mensahe ni Mother Kween kay Ivana, “Maraming salamat kay Ivana ‘tsaka sa manager niya. Thank you Ma’am Ivana sa lahat ng tulong mo.”

 

“Napakabait mo ‘tsaka ang laking tulong nyo samin.”

Noong August 28 ay inilabas ni Lloyd ang video ng kanyang bus wash challenge, hinamon nito si Ivana na gawin rin ang challenge para malaman raw kung sino ang mas mabilis maglinis ng bus sakanila.

 

Nalaman ito ni Ivana at tinanggap ang hamon ni Lloyd, sinabi ni Ivana sa kanyang vlog noong September 6 na kailangan niya raw gawin ang huling hamon ni Lloyd. Nakita niya raw ang kabutihan ng puso at pagkakawang gawa ni Lloyd kahit hindi ito nanggaling sa marangyang pamilya.

Kaya naman naisipan ni Ivana na ibigay ang buong kita sa naulilang pamilya ni Lloyd ang kita mula sa Youtube ads ng kanyang September 6 video.


Sa ngayon ay umabot na ng 7.45 million views ang video na ito ni Ivana.


Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only