Friday, August 7, 2020

Nikko Natividad - Pinatulan Ang Mga Nag-Tanggol Sa Presidente Dahil Sa Kanyang Tweet



Matapos mag tweet ang miyembro ng hashtag na si  Nikko Natividad noong August 5. May mga ilan namang netizens ang pumuna sa kanya. Sa kanyang tweet ay sinabi niyang “Gusto ko ipagsigawan sa mundo na napaka corrupt ng bansang sinilangan ko. im so proud promise walang halong joke. Partida epidemya pa yan. Pano kung ordinary day lang.”Nag-ugat ang hinaing na ito ni Nikko matapos lumabas sa imbestigasyon ng Senate Committee on the Whole sa mga katiwalian o pangungurakot na naganap sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ang PhilHealth ang nangangalaga ng kontribusyon ng mga empleyado, OFW’S, kasambahay at iba pa, kung sakaling kailangan nila ng tulong pinansiyal pampa-gamot at pampa-ospital. Halos P15 billion daw ang winaldas at ninakaw ng ilang opisyales. Ito ay matapos sabahin ng isang dating opisyal ng ahensiya. Samantala, iniimbestigahan naman na daw ito ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC)
Isang netizen naman ang sa halip na magalit sa government officials ay pina-sabihan pa si Nikko sa kanyang tweet. Sinabi nito na “Idol kita sir pero sumablay ka dito 😔😔😔 i’m not pro duterte pero kahit papano may nabago siya sa bansa natin hindi lahat, hindi madami pero atleast meron. Wala tayong idea kung gano kahirap maging presidente ng bansa especially ng pinas. Kung gusto natin ng pagbabago pwede natin simulan sa sarili natin. Hindi porket napasara ang company niyo mabubura na ung magaganda niyang nagawa. Sana magkaron ka ng idea pano maging presidente ng bansa habang kinakain tayo ng pandemya. Stay safe sir. #DontHateJustAppreciate

Nireplyan naman ito ni Nikko ng “sumablay ako saan? Hahaha taena mo puro kasi bold pinapanood mo.”
Sabi pa ng hashtag member, “Saken pa galit yung mga tao. Kesa sa mga nagnakaw na opisyales”
Marami naman sa mga komento ang nag -tanggol sa Presidente Duterte, kahit walang nabanggit si Nikko sa knyang tweet. Kaya naman pinatulan pa ulit ito ni Nikko at nireplyan ng “Sinabe ko bang presidente tinutukoy ko? Kung updated kayo sa ngyayare sa bansa dapat alam nyo to.”

Sa isang post naman niya sa kanyang Instgram, ibinagi ni Nikko ang screenshot ng report ng CNN tungkol sa PhilHealth. Nilagay niya sa kanyang caption ay “Ayoko na pala mag artista mabagal pera. Mag aply nalang akong opisyales sa philhealthsure maabot ko lahat ng pangarap ko (laughing emoji)”
Matatandaan na pinag-usapan din si Nikko nuong unang linggo ng May dahil sa pag-tatangol niya sa ABS-CBN.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only