Monday, August 10, 2020

Picture ni Julia Montes na Karga ang isang Baby Boy Viral ngayon sa Social Media


Trending ngayon sa social media ang picture ni Julia Montes na may kargang cute na cute na baby boy. Makikita sa picture na naka all black si Julia ng t-shirt at maong jeans, habang kalong nya ang isang baby boy na naka white shirt at maong na shorts. Makikita din sa picture na tinitignan ni Julia ang mga kamay ng cute na baby boy. Ang nasabing picture ay kumuha ng attention ng mga netizens at mga comments sa social media, maraming beses narin na share sa social media at may mga say ang ilang netizens dito.
Komento ng ilang netizens, kamukhang-kamukha daw ni Coco Martin ang cute na baby boy. Matatandaan na hindi tinigilan ng issue na buntis si Julia Montes simula pa noong 2018. Lalo pa etong umugong ng pansamantalang nawala sa television at showbiz, at nagbakasyon sa Germany. Biglaan din dati na hindi naging active si Julia Montes sa social media, at sinasabi nga dati na ang ama ng kanyang pagbubuntis ay ang kanyang rumored boyfriend na si Coco martin. Pero mariin namang itinanggi ni Coco Martin ang nasabing issue, pati narin ng manager ni Julia Montes. Ngayong taon nga lang ay muling nag balik si Julia Montes sa showbiz industry at agad na bumida sa teleserye na 24/7 sa Kapamilya Network na ABS-CBN. Ngunit naudlot nga eto dahil sa lockdown at pati narin sa pagpapasara ng ABS-CBN.


Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only