Sa tweet ni Vice Ganda kahapon Miyerkules, August 5. Nilabas
nito ang kanyang inis sa mga government official’s ng PhilHealth na di umanoy
ibinulsa ang P15 billion na pondo ng ahensiya.
Sa nilalaman ng kanyang tweet ay gusto niyang managot ang
mga may sala sa pangungurakot na ito.
“Parusahan ang mga magnanakaw sa Philhealth. Ikulong!
PAGDUSAHIN. Pakainin ng tae ang mga fotaenang yan! Pagsama samahin ang lahat ng
laway ng mga may sakit at ipainom sa kanila,”
Dagdag pa ng “It’s Showtime” host, ang mga opisyales na ito
ay hindi dapat bigyan ng awa.
“Walang kompa-compassion sa mga demonyo! Mga
ulul! Sumakit tuloy ang ulo ko! Akin na ang Saridon.”
Si Vice Ganda ay naag-launch ng kanyang sariling digital
online network, nuong July 24. Dito ipapalabas ni Vice ang kanyang mga proyekto
at videos. Sinabi niya sa kanyang press
conference nuong July 20 na itinayo niya ang digital network upang mkapag bigay
pa rin ng saya sa mga manunuod. Gusto din ni Vice na tulungan ang mga workers
ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho dahil sa pagpapasara nito at bigyan dinng
trabaho ang mga stand-up comedians na naapektuhan din sa pagpapasara ng mga
comedy bars.
Post a Comment