Monday, August 10, 2020

Kilalanin ang isang Aktres na Official ng Estudyante ng Harvard University


Excited na ibinahagi sa publiko ng wais na misis na si Neri Naig Miranda na mag-aaral na sya sa Harvard Business School Online. Ayon sa dating aktres kukuha sya ng course na “Entrepreneurial Essentials” at magsisimula na ang kanyang online schooling sa darating na September 2, 2020. Nag post si Neri na asawa ni Chito Miranda, ang lead vocalist ng bandang Parokya ni Edgar sa Instagram ng verification form na natanggap mula sa Harvard Business School Online, at narito ang caption ng kanyang post sa social media:


Bago pa ang post na eto, nauna nang nag post si Neri sa social media ng makatanngap ng email galing sa tanggapan ng kilala at presteryosong unibersidad, sabi ng aktres:

“Ay! Ino-notify pa raw yung eligibility ko to enroll? Jusko! Ang nilagay ko pa naman sa business ay yung ‘Neri’s Gourmet Tuyo’! Syempre proud ako dun! Nabahuan ata! Naamoy ang tuyo papuntang Cambridge. Isang linggo akong di mapakali nito kakatingin kung mag email si Harvard. Ginusto mo yan, di ba? Masabi lang talaga na nakapag Harvard ka o sa case ko, nakapag-inquire sa Harvard. Hahaha!”

Marami namang bumati kay Neri sa post nyang eto sa social media at nakaka-inpire para sa mga netizens.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only