“Ako, pagdating ng bakuna in public, para walang satsat
diyan, in public magpa-injection ako. Ako yung unag ma-eksperimentuhan.” Yan
ang sinabi ng Pangulo sa kanyang public address Lunes, August 10.
Dagdag pa niya, “Ang ano nila is magbigay sila ng bakuna.
Wala naman silang sinasabi “bayaran mo”. Ito ang tingin ko kay President Putin,
tulong niya sa atin, libre.”
Ang Russia ang isa sa bansang ibayong nag-aaral ng vaccine
para sa COVID-19. Prinoject naman ng Pangulo na ang vaccine ay ibabahagi na in
clinical trials by next month.
“Actually, ang vaccines, they are to be distributed, worldwide na ‘yan by September, October, bibitawan na ‘yan nila dahan-dahan the clinical studies, and if it’s completed, ilalarga nila ‘yan,” kanyang sinabi. Hinihiling din ng Pangulo ang “COVID-free December” nang sa ganun ay ma-enjoy ng mga Pilipino ang Christmas season.
Nabanggit din ng Pangulong Duterte ang vaccine na
isinasagawa ng United States of America, ngunit hindi siya sigurado kung
mag-aalok ba ang bansa ng free COVID-19 vaccines dito sa Pilipinas. Sinabi ng
Pangulo na sinigurado niya na ang bansa ang unang mabibigyan o magiging
priority kung sakaling madevelop na ang vaccine para sa COVID-19.
Post a Comment