Hindi deretsong sinagot ng Kapuso actress na si Faith da Silva ang mga usap-usapan sa kanilang dalawa ng batiking actor na si Albert Martinez. Isa ito sa mga naitanung kay Faith sa isang interview.
Makakasama ni Faith si Albert sa paparating na drama series
ng GMA na “Las Hermanas” na pinagbibidahan din nina Yasmien Kurdi at Thea
Tolentino.
“Iba yung relationship namin together. Komportable kami sa
isa’t isa." - Pahayag ni Faith.
“Masaya ako na nakilala ko siya in a deeper level. He was
really there to support me and guide me."
“Maalaga kasi talaga siya and very grateful ako na yung side
na yun of him, e, nakita ko dahil hindi ko ine-expect na isang beteranong
aktor, e, ganoon makitungo sa akin.” - Pahayagsa ng aktres.
Si Faith ay anak ng dating aktor na si Dennis da Silva na
nakapiit ngayon sa kasong rape at child abuse. Inamin ng dalaga na napaguusapan
nil ani Albert ang napapabalita na may namamagitan sa kanilang dalawa.
“Hindi siya yung seryosohan talaga. Parang
pinagbibiru-biruan lang namin. Tuksu-tuksuhan lang. Para sa aming dalawa kasi,
professional lamang lahat. Walang ilangan."
“The fact na nakikita ng mga tao na okay ang chemistry namin
together, I think yun ang mas importante sa amin.” - Paliwanag ni Faith.
20 years old ngayon si Faith at 60 years old naman si
Albert, forty years ang agwat ng dalawa.
"For me, walang edad na pinipili ang pagmamahal. Basta
maramdaman mo na totoo yung nararamdaman mo sa tao".
“Regardless of the age, kahit anong bagay ‘yan, basta mahal
ninyo ang isa’t isa, wala kayong tinatapakang tao, e, go lang ‘yan!” - Pahayag
ni Faith.
Wala namang magiging problema kung sakaling sina Albert at
Faith talaga, kasi biyudo naman na si Albert Martinez noong 2015 pa. Pumanaw
ang asawa ni Albert Martinez na si Liezl Martinez kaya pwede syang pumasok sa
isang relasyon.
Post a Comment