Thursday, October 14, 2021

Ivana Alawi Inamin na may Communication sila ni Joshua Garcia – “Gusto ko Makilala Muna Sya”



Inamin ni Ivana Alawi na meron na silang communication ni Joshua Garcia, kahit hindi pa sila nagkikita nang personal. Nabuking si Ivana na crush nya si Joshua sa second YouTube anniversary ng aktres noong nakaraang August 2021. Hindi naitago ni Ivana ang kilig ng mapanuod nya ang video greeting sa kanya ni Joshua.




"Follow me on Instagram! Kidding aside, I just hope you and your family are safe." - Part ng message ni Joshua sa nasabing video. Pareho silang nag-follow sa isat-isa dahil inamin ni Ivana na nagkakaroon sila ng palitan ng message ni Joshua sa social media.




Napag-usapan si Joshua sa interview ni Ogie Diaz kay Ivana nakaraang October 13, 2021. Sa mga sagot ni Ivana sa mga tanung sa kanya, halatang bukas sya kung sakaling manligaw sa kanya si Joshua.




"Bakit “fanatic” si Ivana kay Joshua gayong may pangalan din naman siya?" - Tanung ni Ogie.


“Para sa akin kasi, I’m a normal person. Meron akong mga crush, meron akong girl crush, and marami akong hinahangaan. Normal sa akin.” - Sagot ni Ivana.


"Nagkita na ba kayo ni Joshua in person?" - Tanung ni Ogie.


“Hindi pa.” - Sagot naman ng aktres na may halong kilig.




Inamin ni Ivana na gusto nyang makita at makasama si Joshua sa isang teleserye.


Inisa-isa naman ni Ivana ang mga katangian na nagustohan nyan kay Joshua.


“Cute yung mukha. At saka mabait siya."


“Nakita ko parang family-oriented, pero hindi ko masabi kasi hindi ko pa nami-meet personally.”


Matangkad si Joshua, na may height na 6’. - komento naman ni Ogie.


“Okay lang yun." - Sagot ni Ivana na may halong kilig.


Tinanung ni Ogie si Ivana kung sakaling ligawan sya ni Joshua ay iba-vlog nya bai to?



“I think, ha, para sa akin ang hirap kasi na bawat may mangyayaring maganda o bawat may manliligaw iba-vlog mo agad na, ‘Huy, eto yung ano,’ alam mo yun?" - Pahayag ni Ivana.


“It should be kept private and special."


“For me, ha, kasi parang ayoko naman iharap agad yung camera sa kanya, or not just to Joshua… sa mga nanliligaw or sa mga manliligaw."


“Parang ayoko lang na iba-vlog ko lahat na, ‘O, guys, o, ganyan, o. Tingnan niyo si ganito."



“Parang something should be kept private unless sobra sigurado, na super sure na ako sa taong iyon, ipapakita ko sa vlog ko."


“Pero ayoko kasi yung bina-vlog ko na, ‘Oy, ito si ano ko, si ganyan,’ and then maghihiwalay."


“Tapos ano, idi-delete ko yung video? Ayoko ng ganun. Kung ano yung nasa YouTube ko, walang delete-an.”


“Gusto ko kung ano ang ipapakita ko, yun na ang magiging asawa ko.”



"Paano kung ligawan ka ni Joshua?" - Tanung ni Ogie.


“Itanong niyo na lang siya. Bakit ako?” - Pahayag ni Ivana.


"Kung manligaw ng totoo si Joshua sayo, mahihirapan kaba na makapaniwala?" - Tanung ni Ogie kay Ivana.



“Depende. Gusto ko kasi makilala muna siya bago ko kurutin ang sarili ko.” - May kilig na sagot nii Ivana.




"Ano ba ang mga hinahanap na katangian ni Ivana isang lalaki?" - Tanung ni Ogie.


“Family-oriented, respectful and tatanggapin yung buong family ko." - Sagot ni Ivana.


“Not na aalagaan, but he should respect my family the way he respects me.” - Dagdag pa ng aktres at vlogger.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only