May lumabas kasi na article sa isang gossip blogsite nitong
nakaraang linggo na merong buradong tweet si Vice Ganda na nagsasabing “Ang
kapal ng mukha ng mga taong nagsasabing nauubos na ang mga Kapamilya Artist.
Kung dyan kayo Masaya, bahala kayo basta sinabi ko na dati pa, wala kayong
future dyan sa kabila. Charot!
Hinala pa ng mga netizen na sina John Lloyd Cruz at Bea
Alonzo ang pinariringgan ni Vice Ganda dito. Una nang tinanggi ni Vice ang fake
news na ito sa kanyang Twitter account.
Sa isang episode ng “It’s Showtime” napag-usapan ng mga host
nito ang first anniversary ng pagbasura ng kongreso sa renewal ng license ng
ABS-CBN. Ipinahayag ni Vice na masaya sya at ang kanyang mga co-hosts ay
nanatiling nakatindig sa Kapamilya network at tuloy parin ang kanilang programa
sa kabila ng nangyari sa ABS-CBN.
Nilinaw din muli ni Vice Ganda na wala syang galit sa mga artistang nagdesisyong lumipat at iwanan ang ABS-CBN sa pamamagitan ng papunta sa kabilang istasyon. Sinabi ni Vice habang nakangiti na “Hindi kami galit sa mga lumipat tulad ng mga pinapalabas nyong balita sa social media”. Nagpahayag din si Vice sa mga nagpakalat ng fake news “Hoy, 2021 na, ang cheap-cheap ng trabaho nyo! Cheap Nyo!
Post a Comment