Sa mga nagtatanung kung bakit ba “Bale” ang pangalan nya sa
series, ikinuwento ni Jinky na ang totoo talagang dapat nyang pangalan sa serye
ay Valentina. Pero binago daw ito ng lead star na si Vic Sotto, na gumanap na
bilang si “Enteng Kabisote”. Pag-aalala nya, sabi ni Voc Sotto “naku pa Vale-Valentina
kapa, Bale lang naman ang pangalan mo”. So that’s how it started.
Pag-amin ng komedyana, na culture shock sya sa unang taon
nya sa America. Aniya “first year ko dito na culture shock talaga ako, kahit
walang tao, nasan ang tao. Kapitbahay mo nga hindi mo kilala, walang tao,
walang kausap. Ang Diyos nila dito trabaho”. Malayong-malayo daw ito sa buhay
sa Pilipinas na kanyang naka gisnan. Sabi pa ni Jinky Oda, napagtanto nyang
maging independent sa lahat ng gagawin simula nng tumiira sa America.
“Dito sa America ang kamay mo dapat Octopus”. Hayag ng
komedyana. Sa tulong daw ng kanyang kapatid doon napasok muna sya bilang caregiver,
Malaki ang pasasalamat nya na nakakuha sya ng trabaho. Marami syang kilalang
mga Filipino na mayayaman na may facilities. Dahil wala pa naman daw syang
papers at that time parang on call lang daw sya sa pagiging caregiver.
Isang araw daw meron local na lumapit sa kanya. To make the
long story short, yun daw ang nagpasok sa kanya sa security office field. Pag-amin
ni Jinky noong una daw ay hindi nya makita ang sarili na mamalagi sa America.
Pero nagbago na daw ang plano nya gusto na nya doon tumira kasama ang kanyang
anak na lalaki na 26 years old na ngayon.
Post a Comment