Wednesday, January 13, 2021

Celebrity Hairstylist Na Si Mark Anthony Rosales, Labis Parin Ang Pagkakadiin Sa Kaso Ni Christine Dacerna


 Marami ang nagulat na mga kakilala ni Mark Anthony Rosales sa pagkakasangkot niya sa kontoberisyal na pagkamatay ng 23-year-old flight attendant na si Christine Dacera noong January 1, 2021.

 

Tahimik, marespeto at disente ang pagkakakilala kay Rosales ng kanyang mga kaibigan at kakilala.

Si Rosales ay may koneksyon sa entertainment industry dahil sought-after hairstylist siya. Bilang expert sa pag-aayos ng buhok, si Rosales ang kinukuhang hairstylist sa photo shoot at kabilang sa mga artistang kanyang inaayusan ay ang mga Kapuso artists na sina Gabbi Garcia at Andrea Torres.

 

May pagmamay-ari rin si Rosales ng isang beauty salon sa San Juan City.

 

Nadidiin si Rosales sa kaso ng pagpanaw ni Dacera dahil ang pangalan niya ang madalas na binabanggit nina Rommel Galido at JP dela Serna sa mga interview at siya rin ang makikitang kasama ni Dacera sa CCTV footage at ang kahalikan nito.

 

Noong January 4,2021 ay huling nagpost si Rosales sa kanyang IG, at ito ang mga araw na nagsisimula pa lamang umingay ang tungkol sa imbestigasyon ng pagkamatay ni Dacera sa City Garden Hotel sa Makati City. Hindi pa nasasangkot o nababanggit ang pangalan ni Rosales noong mga araw na iyon.

Makikita sa kanyang IG post na si Andrea Torres ang kanyang huling celebrity na inayusan o client.

 

Sa isang post naman ni Andrea Torres ay makikita na pinasalamata niya rin si Rosales para sa kanyang hairstyle. 

 

Ang post na ito ni Andrea ay noong December 27,2020.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only