Saturday, February 18, 2023

Vilma Santos naiyak tungkol sa investment issue ng anak na si Luis Manzano


“Ang anak ko tumutulong, hindi nangloloko. Kaya yung mga nagsasalita, naghuhusga sa kanya, dahan-dahan lang kayo. Walang ibang nakakakilala sa anak ko kundi ako.”

Ito ang pahayag ni Vilma Santos sa interview nya sa Fast Talk with Boy Abunda nakaraang  Martes February 14, 2023.



Ang mga tanong ni Boy Abunda ay mula sa mga linya ni Vilma galing sa kanyang mga pelikula, at ang paraan ng kanyang pagmamahal sa kanyang buhay.

Hindi sinasadyang maapektohan ang actress nang sambitin ni Boy ang isang linya niya galing sa pelikulang Dekada ’70: "Hindi masamang tao ang anak ko. Kahit sa oras na ito, humarap ako sa Diyos. Kahit sa demonyo, hindi masamang tao ang anak ko."

Tinanung ni Boy Abunda si Vilma: bilang isang ina, gaano kasakit ngayon ang nararamdaman mo na may pinagdaraanan ang iyong anak na si Luis?”

 


Hindi agad nakasagot si Vilma at napaluha dahil sa pagsubok na kasalukuyang pinagdaraanan ng kanyang panganay na anak na si Luis Manzano. “Mahirap din kasi na kung minsan, it’s your job to do good. Naluluhang pahayag ni Vilma.

“To show people that you’re comfortable, pero deep inside, you’re hurting.

"And the only thing I can say is that I know my son.

“Ang anak ko, tumutulong, hindi nangloloko. Kaya yung mga nagsasalita, naghuhusga sa kanya, dahan-dahan lang kayo." "Walang ibang nakakakilala sa anak ko kundi ako. And I know he’s such a good person. I’m sorry." – Pahayag ni Vilma santos.

 

Ipinagdarasal ni Vilma ang patuloy na paggabay ng Diyos sa kanya at sa mga anak niya.

"Diyos ko. Oh Lord, oh my God… At this point, it’s just asking for guidance not even for myself but for my children,” aniya.

Nakikiusap si Vilma sa mga naninira kay Luis: "Ako na lang. Huwag ang anak ko, ako na lang."




Bilang isang ina, masakit kay Vilma ang mga paratang laban sa kanyang anak kaugnay ng dati nitong kinabibilangang petroleum company, ang Flex Fuel Petroleum Corporation.

Sa pamamagitan ng kanilang abogado na si Atty. Regidor Caringal, nagpadala si Luis Manzano ng sulat kay NBI Director Atty. Medardo de Lemos noong November 8, 2022.




Nakalagay sa sulat ni Luis na nagpasya itong umalis sa kompanya at nagbitiw bilang chairman of the board ng mga korporasyon ng grupo ng ICM na pinamumunuan ng business partner at kaibigan nitong si Ildefonso "Bong" Medel.

 


Si Medel ang CEO ng ICM Group, na nagpapatakbo sa maraming kompanya kabilang ang Flex Fuel. Ayon kay Luis Manzano, lumapit sa kanya ang mga investor ng Flex Fuel na nais mabawi ang mga perang ininvest ng mga ito sa naturang fuel company.

Hindi lamang ang mga naghahabol na investor ng Flex Fuel ang biktima umano ni Medel dahil, diumano, may pagkakautang din itong P66 million kay Luis.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only