Thursday, October 14, 2021

Isang Pinay Domestic Helper Pinamanahan ng Higit PHP25M ng Dating Amo



Kilalanin si Daisy Bucad-Eng isang dating domestic helper sa Hongkong. Isa na ngayong milyonarya si Daisy. Pinamanahan sya ng kanyang namayapang dating amo ng PHP25M. May mga pag-aari si daisy ngayon ng Lupain, five-story building, alahas, bahay, at pera.


Maagang nag-asawa si Daisy at sya ay taga Mountain Province. 16 years old palang sya nung mag-asawa at magka-anak. Nag-tinda sya ng asin dati sa Besao, Mountain Province para lang kumite ng pera. Kumikita sya dati ng PHP100 to PHP300 kada araw sa pagbebenta ng asin.



Sa kanyang paghahangad na mabigyan ng Mabuti at magandang buhay ang kanyang pamilya, ay pumunta sya ng hongkong at nagtrabaho bilang domestic helper. Pero sa kasamaang palad ay hindi sya sinwerte sa unang amo nya.


“Hindi ko nakayanan. Dalawang oras lang ang tulog mo, tatlong oras. Kukulangin iyon, e.” – Pahayag ni daisy.


Hindi nagtagal ay nakahanap ng bagong amo si Daisy. Isang matandang babae na Portuguese, si Marie. Pinasahod sya dati ng bago nyang amo ng 900 hongkong Dollars o PHP 2,700 kada buwan. Pero naging masaya sya dito dahil itinuring syang isang kapamilya ng kanyang bagong amo.



Tumanggi ang matandang Portuguese na magpa-alaga at tumira sa isang home for the aged at nagpa-alaga nalang ito kay Daisy. Sumama ang kanyang among Portuguese kay Daisy ng magdesisyon syang umuwi ng Pilipinas.


“Namamasyal kami doon sa Manaoag, lahat ng mga Catholic na simbahan.” - Pahayag ni Daisy.


Hanggang sa bawian ng buhay ang amo nyang si Marie sa Pilipinas noong 2002.


“Wala na pala. Yung puso niya lumobo.” - Pahayag ni Daisy.



Umabot ng Labing-isang taon na pinagsilbihan ni Daisy si Marie. Ang mga labi ng among Portuguese ay ipinauwi sa Honkong ng kanyang mga kamag-anak.


Duamting ang isang araw na nakatanggap si Daisy ng isang sulat na makakapag pabago ng kanyang buhay. Sa last and will testament ng kanyang dating amo na si Marie, kasama si Daisy sa mga pinamanahan ng matanda. Isa sa mga pinamana sa kanya ay isang apartment na nagkakahalaga ng PHP25 million.

“Yung mga stocks sa iba-ibang company." - Kwento ni Daisy

“Dinala kami sa executive room. Well-treated kami doon.”

Naisip ni Daisy noon, “Totoo ba to?’ Parang may katotohanan na nga ito.”




Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only