Maagang nag-asawa si Daisy at sya ay taga Mountain Province.
16 years old palang sya nung mag-asawa at magka-anak. Nag-tinda sya ng asin
dati sa Besao, Mountain Province para lang kumite ng pera. Kumikita sya dati ng
PHP100 to PHP300 kada araw sa pagbebenta ng asin.
Sa kanyang paghahangad na mabigyan ng Mabuti at magandang
buhay ang kanyang pamilya, ay pumunta sya ng hongkong at nagtrabaho bilang
domestic helper. Pero sa kasamaang palad ay hindi sya sinwerte sa unang amo
nya.
“Hindi ko nakayanan. Dalawang oras lang ang tulog mo,
tatlong oras. Kukulangin iyon, e.” – Pahayag ni daisy.
Hindi nagtagal ay nakahanap ng bagong amo si Daisy. Isang
matandang babae na Portuguese, si Marie. Pinasahod sya dati ng bago nyang amo
ng 900 hongkong Dollars o PHP 2,700 kada buwan. Pero naging masaya sya dito dahil
itinuring syang isang kapamilya ng kanyang bagong amo.
Tumanggi ang matandang Portuguese na magpa-alaga at tumira
sa isang home for the aged at nagpa-alaga nalang ito kay Daisy. Sumama ang
kanyang among Portuguese kay Daisy ng magdesisyon syang umuwi ng Pilipinas.
“Namamasyal kami doon sa Manaoag, lahat ng mga Catholic na
simbahan.” - Pahayag ni Daisy.
Hanggang sa bawian ng buhay ang amo nyang si Marie sa
Pilipinas noong 2002.
“Wala na pala. Yung puso niya lumobo.” - Pahayag ni Daisy.
Umabot ng Labing-isang taon na pinagsilbihan ni Daisy si
Marie. Ang mga labi ng among Portuguese ay ipinauwi sa Honkong ng kanyang mga
kamag-anak.
Duamting ang isang araw na nakatanggap si Daisy ng isang
sulat na makakapag pabago ng kanyang buhay. Sa last and will testament ng
kanyang dating amo na si Marie, kasama si Daisy sa mga pinamanahan ng matanda.
Isa sa mga pinamana sa kanya ay isang apartment na nagkakahalaga ng PHP25
million.
“Dinala kami sa executive room. Well-treated kami doon.”
Naisip ni Daisy noon, “Totoo ba to?’ Parang may katotohanan
na nga ito.”
Post a Comment