Tuesday, July 13, 2021

Coco Martin Naghahanda Tumakbo sa 2022 Elections?

Nakipagkita ang director na si Erik Matti kina Coco Martin, Julia Montes, at JM De Guzman sa isang simpleng kamustahan. Nang lumabas sa internet ang larawan na magkakasama sila ay nagkaroon na ng idea ang mga netizen na meron silang pinaplanong project.


Ayon sa mga source, posibleng magkaroon ng collaboration ang director na si Erik Matti at ang “Ang Probinsyano” star sa darating na panahon. Malapit ng mag umpisa ang shooting ng pilikulang “Maypagasa” ni Erik Matti. Ang pelukulang ito ay patungkol sa buhay ni Andres Bonifacio, na pagbibidahan naman ni Manila City Mayor Isko Moreno.





Kabilang ang aktor na si Coco martin sa list ng mga pinagpilian bilang maging bida at gaganap na Andres Bonifacio sa pelikula. Pero napunta kay Isko Moreno ang role. Ang kinikilalang Ama ng Katipunan, ay nagmula rin sa Tondo, Manila tulad ni Isko at may pagkaka hawig sya dito kaya sya ang napili.





Samantala, naniniwala ang mga netizen na ang dahilan ng madalas na pagpapakita sa publiko nina Coco Martin at Julia Montes na magkasama, ay dahil balak ni Coco na tumakbo sa halalan sa May 2022. Ayon sa mga netizen, unti-unting nagpapakita sa publiko sina Coco at Julia para walang maisumbat sa actor pag nagsimula na ang kampanya sa darating na halalan.


Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only