Wednesday, January 13, 2021

LOOK: Retrenched Flight Attendant, Is Now LPG Tank Seller And Inspires Fellow Pinoys


Marami ang nawalan ng kanilang trabaho dahil sa pandemic, at isa na dito ang isang dalaga na si Maureen Avila, 26-year-old na isang lead cabin crew member sa isang local airline company.


Nag-viral ang inspiring story na ito ni Maureen, ayon sa kanya sobra raw ang naging epekto ng kanyang retrenchment.


Sa unang dalawang linggo niya raw naramdaman ang hirap, at umabot pa ito sa punto na hindi siya makakain at hirap bumangon sa kanyang higaan.

 

Saad ng dalaga, “Paano kami sa araw-araw ng pamilya ko?’ Saaan ako kukuha ng panggastos namin?’ May mahahanap ba akong during this, eh halos lahat ng kumpanya nagtatanggalan ng tao?”

 

Ngunit nakahanap si Maureen ng suporta sa kanyang pamilya at kanyang nobyo na si Carl. Masakit para sa kanya ang mawalan ng trabaho na kanyang minahal at iningatan sa loob ng tatlong taon.


Hanggang sa isa mga kaibigan niya ang nag-offer na mag franchise sila ng kanyang nobyo ng LPG business at agad naman silang pumayag dito dahil sa tingin na rin nila na demanding naman talaga ang ganitong produkto.

 

“We had enough savings to start business, but we torn between set up [the business] or use it for our everyday survival.”

 

Dagdag pa niya, “Siyempre wala pa akong trabaho. Yung pang-gastos namin sa araw-araw sa ipon ko kukunin. Paano nap ag ginamit pa naming ito sa business? Sobrang maghihigpit na kami, but with the help of our parents, nag decide kami to take it easy and mag-risk sa LPG business.”

 

Iniisip rin ni Maureen ang tight competition sa kanyang mga kapitbahay na nagbebenta rin ng LPG tanks, ngunit mas nag-focus daw siya na makakuha ng customer kaysa sa tumubo agad.

 

Kaya naman namigay sila ng flyers sa mga bahay bahay sa kanilang buong barangay. Ayon sa kanya ay mayroon daw interasado at mayroon din namang walang pakialam.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only