Saturday, December 26, 2020

Yassi Pressman, Magpapaalam na sa "Ang Probinsyano", Jane de Leon Papasok Bilang Bagong Partner Ni Coco Martin

Siguradong mami-miss ng mga Kapamilya viewers si Yassi Pressman sa FPJ’s Ang Probinsyano. Pagkatapos ng apat na taon ay magpapa-alam na ang aktres sa longest-running primetime series ng ABS-CBN.



Taong 2016 ng bigyang buhay ni Yassi Pressman ang karakter ni Alyana Arevalo, isang TV news reporter na nakarelasyon at naging asawa ni Coco Martin na si Cardo Dalisay sa serye. Nasanay na nag mga manunuod na gabi-gabi nila nakikita si Tassi sa Ang Probinsyano kaya siguradong ma-mimiss nila ang aktres sa paglisan nito sa serye. May mga project na gagawin si Yassi Pressman sa kanyang home studio na Viva Films sa 2021.



Sa paglisan ni Yassi sa Ang Probinsyano, ang Darna star na si Jane de Leon ang bagong member na papasok sa Ang Probinsyano na posibleng maging love team ni Coco Martin.

Ang mga taping ng Ang Probinsyano ang bagong proyekto na pagkaka-abalahan ni Jane de Leon, bago nya simulan ang long overdue na Darna, na isa ng TV series at hindi na magiging pelikula.



Gagampanan ni Jane de Leon sa Ang Probinsyano ang karakter ni Police Captain Natalia Mante. Bagong leading lady ni Coco Martin ang pagpapakilala kay Jane ni Kim Chiu sa nakaraang pre-show interview ng Christmas special ng ABS-CBN noong nakaraang linggo, December 20, 2020.



Masaya si Jane de Leon na sa hindi inaasahang pagkakataon ay magiging parte sya ng Ang Probinsyano, dahil kahit sino daw ay gugustohin na maging member ng five year old drama action series ni Coco Martin.



Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only