Saturday, December 26, 2020

Xander Ford - Nakalaya Na Matapos Pyansahan Ng Kanyang Talent Agency

Nakalaya na sa kulongan si Marlou Arizala o mas kilala sa pangalang Xander Ford matapos ang isang araw na pagkaka-kulong sa Tondo Manila Police Station. Ang kanyang Talent Agency na “Star Image Artist Management” ang nag pyansa sa kanya sa halagang 18,000 PHP upang makalaya ang online personality. Si Xander Ford any dinakip nakaraang December 22, 2020 ng gabi sa kasong isinampa ng kanyang dating girlfriend na si Ysa Cabrejas. Nilabag umano ni Xander Ford ang R.A. 9262 o violence against Women and Children dahil sa mga inaakusa sa kanya ng kanyang dating girlfriend.


“Nagsisisi po ako dahil sa mga bagawa ko po, handa po ako makipag-ayos kay Ysa, sa ex-girlfriend ko. Lubos po akung nagsisisi sa mga nangyari po saming dalawa”.
– Pahayag ni Xander Ford.

Paglilinaw pa ng Talent Agency ni Xander Ford, magkakaroon pa ng hearing ang kaso at dadaanan parin ito sa proseso. “Sana po magkaroon ng maayos nna usapan ang magkabilang kampo para maayos napu nitong bagong taon”. – Pahayag naman ng Star Image Talent Agency. Kasama rin sa pagsunndo kay Xander ang kanyang Ina na si Merly Arizala at nagpapasalamat na makakapiling nila ang kanilang anak ngayong kapaskohan.


Dahil naka live sa Facebook page ng kanyang Talent agency ang kanyang pag-laya, marami agad ang nakapag-komento sa video at nagsasabing magpa-kabait na raw ang controversial social media personality. Humingi rin ng patawad si Xander sa kanyang dating girlfriend, at itinanggi nya rin ang mga paratang sa kanya na sinasaktan nya umano ito.



“Nanghihingi po ako ng sorry dun sa Ex-girlfriend ko, kahit po alam ko na wala naman akung ginawa na masama sa kanaya”. Mag-papasko tapos ganito ang mangyayari sa pamilya ko, sa mama ko. Ako lang ang inaasahan ng pamilya ko”. - dagdag ni Xander Ford sa kanyang pahayag sa issue.



Naka takdang mag harap sa korte ang kampo ni Xander Ford at ang kanyang ex-girlfriend na si Ysa Cabrejas sa January 2021. 

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only