Isa sa mga painguusapan ngayon ang eksena ni Dennis Padilla at transgender na si Francine Garcia sa “Pakboys Takusa” ang official entry ng Viva Films sa 46th Metro Manila Festival.
May ilang mga miyembro
ng LGBTQ community ang diumano’y nainsulto sa eksena ni Francine na
nakatalikod habang umiihi nang nakatayo, habang gulat na gulat naman si Dennis
dahil hindi nito inaasahan na isang transgender ang kanyang nakaniig.
Ayon kaya Dennis, kapag pinanood naman daw ang buong eksena
ay matutuwa sila dahil may bed scene sila ni Francine dito, matutuwa raw ang
LGBTQ community dahil nag-make love sila dito.
Inuulan man ng batikos si Dennis dahil sa eksena nila na ito,
iginiit naman niya na mataas ang kanyang respeto sa LGBTQ community dahil siya
mismo ay may anak na nagpakasal sa kapawa babae.
Ang sabi ng komedyanteng aktor, “My daughter is married to a
woman in the States. My eldest daughter Dianne, who is 30 years old is married
to Katx who is also a woman. And I respect them because mahal ng anak ko eh.”
Si Dianne Baldivia ang panganay na anak ni Dennis sa unang asawa nitong si Monina Gatus, bago pa man siya nagkaroon ng relasyon kay Marjorie Barretto.
Naganap ang kasal o same sex marriage nina Dianne at Katx sa
California noong September 26, 2019.
Samantala, nito lamang nakaraan ay nagpost si Dennis ng picture
sa kanyang Instagram na kasama ang kanyang panganay na anak kay Marjorie na si
Julia Barretto. Sa caption ni Dennis, “Biglaang nagkita… Miss you anak!!!”
Post a Comment