Tuesday, December 8, 2020

Nathalie Hart, Inamin Natutong Mag-Budget Dahil Sa Pandemic


Inamin ng sexy actress na si Nathalie Hart na natuto siyang mag-budget ng kanyang pera dahil walang pumapasok na income dahil sa pandemic.

 

Ayon kay Nathalie, “The most important lesson that I’ve leraned is to always appreciate everything in life, the things that we take for granted like health and hygiene. “

 

“I’ve also learned how to budget loke a pro kasi I had no salary coming in.”

 

Yan ang mga diretsahang sagot ni Nathalie sa mga katanungan na ipinadala sa kanya ng Cabinet Files. Ngakaroon din ng realization ang sexy actress na hindi raw kailangan ng maraming gamit para maging masaya dahil mas higit na mahalaga raw ang kalusugan ng pamilya.

 

“As long as my loved ones are healthy and have something to be thankful for, like food, shelter, that’s all I need.”

Bago pa man raw ang pandemiya ay madalas na siyang manatili sa kanyang bahay, kaya ito raw ang dahilan kung bakit hindi siya masyadong nahirapan ng ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong March 2020.

 

Saad ni Nathalie, “It was not hard because before the pandemic, I was always home. The only hard part was there’s so much free time, but after two months, I realize it’s time to try something new.”

 

“I opened a resort wear line called @gaytreebypenelope.

“I’m still working on my plant-based skincare that I’m launching this January.”

 

Samantala, isang taon na ang nakalipas ng ipagtapat ni Nathalie na hiwalay na sila ng kanyang partner na si Mayank Sharma, ito ay dahil raw sa kanilang personal at cultural differences.

 

Ang paghihiwalay rin nila ni Sharma ang dahilan kung bakit nagbalik showbiz si Nathalie at naging abala matapos ang ECQ dahil dalawang pelikula agad ang kanyang ginagawa.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only