Hindi nag-dalawang isip ang Miss Universe Philippines 2017
na si Rachel Peters na suuingin ang malakas na alon upang sagipin ang isang
nalulunod na lalaki.
Maging ang kanyang nobyo o fiancée na si Migz Villafuerte,
Camarines Sur Governor ay natakot para kay Rachel.
Si Rachel Peters ang kinatawan ng Miss Universe Philippines noong 2017 kung saan nakapasok ang dalaga sa Top 10 ng kompetisyon, at isa rin siyang surfer.
Nito lamang lunes November 30, nagpost si Migz ng larawan ni Rachel na may hawak na isang pomeranian dog at may katabing lalaki. Sa kanyang post ay tinukoy niya na ang lalaking kasama ni Rachel ay ang lalaki na sinagip ng Miss Universe Philippines 2017 ng pumalaot ito sa isang isla sa Camarines Sur at tila nag-aaral magsurf.
Sa caption ay sinabi ni Migz na; “So proud of my girl @rachelpetersx for saving this guy’s life who got caught in a strong riptide earlier! very close call. The ocean is a whole different world and learning surfing the right way, with the right people is the best way to know the ocean! Sige na papayagan na kita magsiargao ng magsiargao pa more babe”
May isang netizen naman ang nagpost ng larawan ni Rachel at
sa caption naman nito ay sinabi na pinigilan raw ang beauty queen na pumalaot
subalit dumiretso pa rin daw ito. Makikita sa litrato na lumalangoy si Rachel gamit ang kanyang surfboard. Sa pangalawang larawan naman ay kung paano nito naabot at niligtas ang
lalaki.
Sa pangalawang larawan naman ay kung paano nito naabot at niligtas ang lalaki.
Sila ay na-engaged noong nakaraan taon 2019 at ngayong taon sana nakatakdang magpakasal.
Post a Comment