Ipinagtanggol si Jessy Mendiola ng kanyang nobyo na si Luis Manzano laban sa isang netizen na nagkomento sa kanyang isang post sa Instagram.
Nagkomento ang netizen na ito sa post ni Jessy nitong
nakaraang Biyernes, December 4. Kinuwestiyon niya ang post ng aktres kung paano
ito nakabili ng isang sikat na luxury wristwatch.
Bukod sa magandang mukha na post ng aktres, napansin ng
ilang netizens ang suot niyang watch at nagkomento ng “Patek” at “Nautilus”
kung saan tinukoy ang patek Philippe Nautilus watch na suot ni Jessy.
Ang Patek Philippe ay isa sa mga pinakamamahaling brand ng
watches sa buong mundo. Ayon sa mga presyuhan nito sa online watch market na
verified dealer ng mga luxury watch, ang relong Patek Philippe Nautilus ay
nagkakahalaga ng PHP1.8 million hanggang PHP9 million.
Ang special edition designs ng brand ay pumapalo naman sa PHP25
million pataas. Limitado lang sa 50,000 ang produksyon ng relo na ito sa market
kaya iilan lamang ang maaaring magmay-ari nito.
Napaka mabusisi ang paggawa ng relo na umaabot sa siyam hanggang
dalawang taon bago matapos o makumpleto.
Pawang ang mga A-listers lamang din ang nagmamay-ari ng
Patek watches, kagaya nila Queen Elizabeth II, Pablo Picasso, Walt Disney,
Nelson Mandela at The Beatles, ayon sa isang blog.
Dahil dito ang nakakalulang presyo marahil ang nasa isip ng
isang netizen at nagkomento sa post ng aktres; “How can she afford a Patek?”
Sinagot naman ito ni Jessy ng patanong na; “um… because I
work hard and save a lot? Lol”
Taliwas sa maigsing komento ni Jessy, nagkomento rin si Luis at sinabing; “work and save till you can buy and enjoy what you want in life no matter what they may be. Napaka bobo mo naman if do mo gets yun, pabili ka utak ngayong 12.12 sale… work and save para ma afford mo rin ang brain.”
Sagot naman ng netizen kay Luis; “bakit ka defensive?
Nagtatanong lang ah?”
Ngunit nireplyan lang ito ni Luis ng may halong pag-iinsulto
ng; “12.12 add to cart – brain.”
Isang netizen naman ang sumali at kinampihan ang TV Host na
Luis at sinabing; “sampalin nyo ng taxi at gasoline station yan kuya ehehehe.”
Sagot naman ni Luis; “basta may trip ka sa buhay, kesyo
simple o hindi… pagtatrabahuan mo yun at pagiipunan…”
Si Luis ay co-owner ng isang taxi fleet na bumabiyahe sa
Metro Manila, padami rin ng padami ang location ng kanyang gasoline station.
Post a Comment