Saturday, December 26, 2020

Lani Misalucha - Hindi na Maka-Awit Dahil sa Pagka-Bingi ng Tenga

Umiiyak na ikwenento ni Lani Missalucha sa Christmas Special ng “The Clash” nitong Friday ng gabi December 25, 2020. Nabingi ang kanyang  pandinig sa kanang tenga, ito ay dahil dinapuan sya ng bacterial meningitis na dahilan ng kanyang pagka-confine sa ICU ng isang hospital.

“Na-miss ko ang The Clash, na-miss kong mag-work. Na-miss ko kayo dahil you’ve been all good to me”. – Pahayag ni Lani sa kanyang interview nina Ai-Ai Delas Alas at Christian Bautista. Matapos ng madamdaming pag-awit nya ng Oh Holy Night.



“Nagpapasalamat ako sa panginoong Diyos dahil buhay ako, buhay kaming mag-asawa. Maraming salamat po sa lahat ng mga kaibigan at pamilya ko at supporters ko. They’ve been praying for me and I know that”. “Huwag po kayong mag-alala, hindi ako nagkasakit ng akala niyo COVID. Hindi po, kasi kung COVID yan, madali akong makakabalik dito. Ang nangyari po sa akin ay mas matindi sa COVID”.



Kasunod nito ay isinalaysay din nin Lani Misalucha kung anu ang nangyari sa kanila ng kanyang asawa. “Bingi po talaga ang nangyari sa akin, sa right side ko, sa aming mag-asawa. At meron po kaming vestibular dysfunction kaya kailangan naming ng alalay lagi”.



Tulad ng pahayg ni Lani, hindi lang sya ang nagkaroon ng bacterial meningitis dahil ito rin ang naging karamdaman ng kanyang asawa na unang dinala sa ICU ng hospital noong October 9, 2020. Kinabukasan October 10, 2020 si Lani naman ang isinugod sa hospital dahil sa pananakit ng kanyang buong katawan, matinding sakit ng ulo, pagka-hilo, at panghihina ng pandinig nya. Sinabi ng singer na may dudang nakuha nila ng kanyang asawa ang bacteria mula sa isang restaurant na pinuntahan nila, pero tumanggi syang sabihin ang pangalan ng restaurant.


Sinabi rin ni Lani Misalucha sa sarili na baka hindi na para sa kanya ang pag-kanta dahil sa nangyari, malaking perwisyo ang nangyari dahil maraming mga trabaho ni Lani ang na kasela at mga offers na hindi nya tinanggap. Sa kabila ng matinding pagsubok na nararanasan nila ng kanyang asawa, nananatiling matatag at buo ang kalooban ni Lani dahil sa malakas na pananalig nya sa Diyos.

  1. Yes, licenced and regulated on-line casinos present safe playing environments. Sites usually use the newest encryption technology, security insurance policies, and other safety measures guarantee that|to ensure that} players don’t have to worry. If you’re on the lookout for a UK on line casino to play in poker tournaments on-line, we extremely suggest Grosvenor. This site provides poker promotions every single day and helps players at all levels, from novices to pros. Getting to know BitFiring proves easy with its demo 온라인카지노 mode, which permits beginner players to find out how on-line playing works before betting real money.

    ReplyDelete

Whatsapp Button works on Mobile Device only