Wednesday, December 30, 2020

Dating Artista at Child Star, Mga Ganap na Doctor na Ngayon

Dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Alec Dungo na dating sumali sa reality show na teen edition, ay isa nang ganap na Doctor ngayon.




Ibinahagi ni Dungo ang balita sa pamamagitan ng kanyang social media account, sa pamamagitan ng pag post ng larawan na nakalista ang kanyang pangalan sa mga nakapasa sa Physician Licensure Examination (PLE).



“To God be the glory!!! We made it! Thankful for everyone who made this dream possible. This is for you papa, mama, kuya Cocoy, Bubut, my grandparents, Duñgo and Chai family, and to (my newly licensed doktora too!) Janelle,” – Saad ni Dungo sa kannyang caption.


Sinabi ni Dungo sa dati nyang interview na sumali sya sa “PBB” noong 2012 sa pagiisip na ang showbiz ang path nya para maging successful sa buhay.



“Pero parang dumating sa point na na-miss kong mag-aral, na-miss kong mag-school, and even nong before I joined 'PBB' naman, ‘yung dream ko talaga was to become a doctor. So nung ga-graduate na ako ng undergraduate course ko na BS Pharmacy, may turning point talaga na itutuloy ko mag-med school or ita-try ko mas mag-focus sa showbiz,” – paliwanag ni Dungo.


“Pinili ko ‘yung med school unang-una mas kaunti ‘yung tao na nabibigyan ng chance na makapag-pursue ng medicine and I think hindi lang siya basta trabaho, vocation din siya eh. Parang sa tingin ko mas nakikita ko sarili ko na ginagawa ‘yun na tumutulong sa ibang tao,” – dagdag ng binata.



Nagtapos ng kanyang Medical Degree si Alec Dungo sa University of Santo Tomas nakaraang taon 2019.


Bukod kay Alec Dungo, isa pang dating artista na ngayon ay isa naring ganap na Doctor. Sya si Angeli Gonzales. Na active sa showbiz noong early 2000s bilang isang child star, at nakapasa rin sa Physician Licensure Examination (PLE) kasabay ni Dungo.





Tinapos naman ni Angeli Gonzales ang kanyang Medical degree sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute. Agad namang binati si Angeli ng ilang showbiz celebrities tulad nina Ara Mina at Kristel Fulgar. 



Una nang inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na 3,538 ang nakapasa out of 4,704 sa PLE sa lungsod ng Manila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, davaao, Iloilo, Legazpi, Lucena. Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only