Saturday, December 5, 2020

Carlo Katigbak To Solid Kapamilya Stars: Ang Pag-Tratrabaho sa ABS-CBN ay Hindi Lang Isang Career Move

“Napakahirap po ng taong 2020”

Ito ang paunang salita ng ABS-CBN CEO na si carlo Katigbak sa kanyang opening speech nitong Biyernes, December 4, 2020.

Pinangunahan nya ang contract signing ng mga solid Kapamilya ABS-CBN Stars na nag-renew ng mga kanilang kontrata sa Star Magic, ang kilalang talent management ng ABS-CBN. Mabigat ang dala ni Katigbak bilang Head nng ABS-CBN ngunit nakuha parin nitong ngumiti sa kabila ng lahat ng mga nangyari sa kanilang istasyon.


Nagpa salamat at nagbigay-pugay sya sa mga Kapamilyaa Stars na hindi iniwan ang istasyon sa kabila ng mga problema na kinakaharap nito. Lahad ni Katigbak na: "Today, I want to thank the stars who represent ABS-CBN to the world outside”. May kasamahang ngiti sa mga labi nito.

"Kayo po ang nagbibigay ng liwanag at ligaya sa ating mga Kapamilya.

"Thank you for choosing to be part of our mission. Thank you for believing in our company. And thank you for supporting us in our most difficult moment."

Lahad ni Katigbak, "I hope you believe, as we do, that working in ABS-CBN is not just a career move. "It's not just a job. It's a calling to serve."


Hindi tuwid na sinabi ni Katigbak, pero hindi kailangan ma-aoektohan ng husto ang kilalang network giant, mula sa mga natanggal na mga empleyado at artista, hanggang sa mga nagsarang subsidiaries at programs nito, nang hindi nga binigyan ng prangkisa ng kongreso ang network nakaraang July 2020. Itinaguyod naman ng Kapamilya ABS-CBN Network ang pagpapalakas ng kanilang mga digital platforms kung saan ppatuloy na tumatakbo at umeere ang kanilang mga shows.

Bukod sa mga affiliated channels ng Kapamilya ABS-CBN, pinasok ng network ang blocktimer  arrangement sa A2Z o dating kilala na Zoe TV Channel, na pinagmamay-ari ni evangelical leader na si Brother Eddie Villanueva. Sa pamamagitan nito, sinigurado ni Katigbak na mahirap man at patuloy parin na magbibigay ng delakidad na serbisyo ang ABS-CBN Network.



Ayon Kay Katigbak - "But ABS-CBN has always been at its best in the most difficult times.

"This year is no exception. Our commitment to serve the public is the foundation of our company.

"And so, even without that we're used to, we have not stopped finding new ways to be in the service of the Filipino."


Pagkatapos ng statement ni Katigbak ay pormal nyang inihayag at ipinakilala ang bagong Star Magic head na si Laurenti Dyogi. "And I'm proud to say that the new head of Star Magic is someone who has embraced public service as part of his personal mission. Ladies and gentlemen, our new head of Star Magic, Direk Lauren Dyogi.”

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only