Narito at balikan natin ang mga pinakamalaking kontrobersya
sa politika na pinagmulan ng maiinit na diskusyon at debate ng mga Pilipino sa
internet sa kabila ng pandemya.
1. Quarantine Breach Case ni Senator Koko Pimentel
Photo Credit: cnnphilippines.com |
Noong March 24, 2020. Naging sentro ng kontrobersya ang
senador ng samahan nito ang kanyang asawa na buntis noon, kahit hindi pa nya alam
ang result ng kanaynng COVID-19 test. Di kalauanan ay nag positive si senador
Koko Pimentel sa nasabing virus. Sa nasabing kontrobersya ay napilitan ang
Department of Health (DOH) na mag file ng formal complaint laban sa senador sa pag
breach nito sa quarantine protocols sa gitna ng pandemya.
2. OWWA Mass Gathering ni Mocha Uson
Photo Credit: coconuts.co |
Si Mocha Uson na Deputy Administrator ng Overseas Workers
Welfare Administration ay nakita sa isang mass gathering sa Batangas na mayroonng
322 overseas Filipinno workers, kahit na pinagbabawal ang mga mass gathering
para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus.
3. Shutdown of Kapamilya Network ABS-CBN
Photo Credit: ifj.org |
Noong May 5, 2020. Nawala sa ere ang Kapamilya Network
ABS-CBN matapos magpadala ng cease and desist order ang National Telecommunications
Commission (NTC) matapos ma expire ang prangkisa ng Network May 4, 2020. Hindi
pinayagan ng kongreso na ma-renew ang kontrata ng ABS-CBN dahil sa
patong-patong na aligasyon laban dito.
4. Mañanita Party of Police Chief Major Debold Sinas
Photo Credit: Manilatoday.net |
Dahil sa lumalaganap na COVID-19 virus, ipinatupad ng
gobyerno ang pag-ban sa lahat ng mga mass gatherings at pagpapa-tupad ng social
distancing protocol. Pero noong May 8. 2020 sa Camp Bagong Diwa, naging headline
si Chief Major Debold Sinas matapos mag celebrate ng kanyang birthday kasama
ang maraming mga pulis ng PNP.
5. Corruption Scandal sa PhilHealth
Photo Credit: interaksyon.philstar.com |
Ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ay
nasama sa isang kontrobersya ng korupsyon matapos lumabas ang mga alegasyon
patungkol sa overpricing at fund mismanagement ng mga nakakataas na officials nito,
kasama na dito sina former CEO Ricardo Morales at Secretary of Health Francisco
Duque III.
Post a Comment