Wednesday, November 18, 2020

Robin At Mariel Padilla, Pinatayuan Ng Sariling Bahay Ang Kanilang Mga Kasambahay

Labis labis ang pasasalamat ng mga kasambahay ng aktor na si Robin Padilla at TV host Mariel Padilla sa kanila dahil sa binigay nila na libreng pabahay para sa mga ito.

 

Nagkaroon ng idea ang mag-asawa na ipagawa ang bahay simula nang mag-umpisa ang pandemiya, nakita ni Robin ang tinitirahan ng kanilang mga kasambahay at ang sitwasyon ng mga ito.

 

Nagpagawa sila ng apartment sa compound ng Museo Padilla at pagkatapos ay dito na lumipat ang mga pamilya ng kanilang kasambahay.



Hindi naman napigilan ng mga kasambahay ni Robin at Mariel ang mapaluha nang sila ay magpasalamat sa mag-asawa.

 

Ayon kay Yaya Jo, ang midwife na tatlong taon ng namamasukan sa mag-asawa, nagpapasalamat daw siya dahil napunta siya sa pamilya nila Robin at Mariel. Dagdag pa nila, kakaiba daw ang nararanasan nila sa mag-asawa na hindi raw nila mararanasan sa iba.

 

Samantala, nitong linggo lamang ang first birthday ng kanilang pangalawang anak na si Gabriela, itinaon ni Mariel sa kaarawan ni Gabriela ang paliwanag niya tungkol sa desisyon nila ni Robin na ipagpatayo ng sariling bahay ang mga kasambahay.

 

Paliwanag ni Mariel, “During the start of the pandemic dito sa amin, we really followed very very strict quarantine rules. Talagang no one comes in and out. Talagang we’re very very strict with that because we have little kids. So, talagang maingat kami with everything.”


Ayon pa kay Mariel, kinailangan din daw nila limitahan ang exposure ng mga tao na pumapasok at lumalabas sakanilang tahanan, “So that means walang nakakalabas at nakakapasok, that includes yung mga kasama namin sa bahay.”

 

Napakahirap daw nun para sakanilang mga kasambahay kahit pa daw ipaliwanag pa nila ang banta ng COVID-19 at kung ano ang nangyayari sa mundo, ito ay dahil nag-aalala pa rin daw ang mga ito sakanilang mga pamilya, bagay na sobra namang naiintindihan nila Robin at Mariel.

 

“Pero siyempre dahil tao sila, they long for their family, nami-miss nila yung pamilya nila. Siyempre mag-aalala sila.”

 

“And we wanted to remove that worry away from them para hindi na nila ‘yon iniisip. So Robin decided to take them under his wing.”


Patuloy ni Mariel, “There’s a place wherein Robin takes care of a few Muslim families. And for the very first time, we opened the doors to Christians, to Catholiics like myself, for our staff.

 

Yun ay dahil daw nagsasakripisyo rin ang mga ito para sakanilang pamilya at nagpakita rin ng loyalty at pag-mamahal sakanilang mag-asawa at sa mga anak nila, kaya naman gusto daw nila suklian ito.

 

Ang kabuuang pahayag ni Mariel ay mapapanood sa kanyang Youtube channel.




 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only